CHAPTER 18: The mantis stalks the cicada, unaware of the oriole behind (2)

419 49 3
                                        

ZION'S POV

Sinamahan ko ang soldiers na papuntang Orc Stronghold, lahat ng chest na nakuha namin sa ibang Stronghold ay naka-tambay na sa teritoryo ko.

Ang pinagkaiba ng Orc Stronghold sa ibang Stronghold hindi ito tumatanggap ng Adventurer's. May galit kasi ang mga Orc's sa Humans siguro kaya ganun at dahil ang mga Player ay nagkatawang tao, so parang sinabi narin na belong ang Player Race sa Human Race (Which is true)

Lahat ng Stronghold (Small, Medium, Large) man siya na may Human na nakatira siguradong tumatanggap ng Adventurer.

Nadagdagan ang bilang ng Adventurer's na nakuha namin dahil na rin sa pag-seize ng Stronghold. Mag t-trabaho ang mga tao ng Stronghold na iyon sa aming teritoryo.

Sa ngayon inisa-isa na namin ang paglipat ng bilang na ito sa Zion's Territory.

Natira na lamang ay ang Human - Large Stronghold at ang Orc's Stronghold.

Pagkadating namin sa Orc Stronghold giniba lamang ang malaking gate at pumasok na ang sandamakmak na bilang ng sundalo namin.

Wala ng nagawa ang Orc's dahil masyado kaming marami para sa kanila.

Pagkatapos ma-seize ang Stronghold pinadala ko sa dalawang Sundalo ang Chest.

Bilang isang Lord tiningnan ko ang buong paligid ng Stronghold. Ito ang pinaka-una kong beses na nakita sa personal ang Large Stronghold. Nabisita ko na ang mga Medium at Small Stronghold ngunit hindi mo talaga mapapantayan sa laki, elegante at bato na ginamit para lamang mapatayo ang gusali na ito.

Lumibot ang paningin ko sa mga Orc's na kababaihan at mga bata. Nasa isang tabi lamang sila ng Stronghold, kahit malaki ang Stronghold na ito kapag inipon mo ang bilang nila na mga ilang libo siguradong sisikip ito.

Ngunit kahit ganon tahimik lamang sila at nakatungo. Hindi ko alam kung dahil tinakot sila ng mga sundalo ko at ipinagbabawal silang tumingin sa akin.

Lumapit ako sa mga Orc's na naka survive.

"We already seize the Stronghold, Choose Wisely! follow us, or die here." Sigaw ko. Pagkasabi ko non nagtaas ng espada ang mga sundalo ko na nagbabantay sa mga Survivors.

Isang maling sagot at buhay mo ang kapalit.

"Wala namang mawawala sa inyo kapag sumama kayo sa amin, mabibigyan namin kayo ng mas ligtas na tirahan, saganang pagkain, kung saan pwede kayong kumain tatlo o limang beses sa isang araw, kapag malamig ang panahon bibigyan namin kayo ng damit. Problema ba kapag may sakit kayo? 'Wag kayo mag alala, may doktor ang aming teritoryo, problema rin ba ang pag aaral ng inyong anak at magiging anak? May paaralan kami." Paliwanag ko.

Nabuhayan ang kanilang puso ng pag-asa dahil sa emosyon sa kanilang mata.

"M-may kailangan po ba kaming gawin?" Hahampasin dapat ng sundalo ang matandang lalaki na nagtanong nun ng pigilan ko siya.

Ang haharas naman nitong mga 'to.

"Ang nasa edad pa na kayang mag trabaho ay siguradong mag t-trabaho, ang matatanda na marunong magbasa, magsulat ay tutulong sa pagtuturo sa paaralan. Gagawa kayo ng paraan para patunayan na may ambag kayo sa teritoryo ko nang matanggap namin kayo!" 'Yun lamang ang nasabi ko at napaniwala ko na sila. Sumama na sila sa amin pagbalik.

Humiwalay ako sa iba kong sundalo para dumiretso sa Human - Large Stronghold.

Nilakad lang namin ang papunta doon dahil wala pang transportasyon na maaaring masakyan dito. Pagkadating namin sa lugar na iyon ay nag i-impake na ang ilang sundalo dala-dala ang mga Survivors at Adventurer's na dati ay kasama rito at payapang tumitira lamang.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon