CHAPTER 40: Preparation for Spring Season (2)

342 37 5
                                        

Ang Nakaraan:

*System Notice:
• The System detected another [Lord] with Potential. System will strengthen the [Lord's Ranking], Lord's are recommended to join the fun and gain absolute power. Lord who managed to reached Top 10 will be rewarded heavily.

**Rewards:
Note (1): Today is the last day to finalize your ranking in [Lord Ranking], every [Lord] should give their best to have a better ranking. Every Year, the reward shown below will be randomize and change.

***[Cross Server Notif:]
Announcing *Lord Zion* from *Zion's territory* as the first [Lord] to upgrade his/her town into a PROFICIENT CAPITAL CITY 1]

****[Title: An Eye For Talents]
• A special ability to recognize or notice a particular thing/ someone of higher quality
• Gives +5 Trust, Attracts NPC's with talents

---------------------------------------------------------
ZION'S POV

Ang dating malamig na kapaligiran sa Zion's Territory ay unti-unti nang nawawala, nararamdaman na namin muli ang init na dulot ng araw sa umaga... Isang klima na mararamdaman mo lang sa Spring, Summer, at Autumn Season

Nagsisimula na ring mamulat sa aming mata ang mga magandang halaman at kalikasan na hindi mo makikita sa malamig na klima, nagmistulang maliwanag at maligaya ang Zion's Territory. Marami nang gising at makikita ang mga batang naghahanda na sa kanilang pagpasok sa kanilang mga eskwelahan at mga binata at dalagita na papasok naman sa kanilang highschool o unibersidad.

Nang makita nila ako samu't-saring bati ang aking natatanggap kaliwa't kanan kapag napapadaan ako sa kanilang harap, binabati at tumatango naman ako sa kanila, hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang tinitingnan ang mga taong papasok upang sila'y may matutununan. Hindi lahat ng mga kabataan ay ang pag-asa ng kanilang bayan ngunit ang mga batang ito na nasa aking harapan, ay ang mga kabataan na naniniwala na sila'y may kakayahang maging pag-asa at ang mga kagaya ng mga batang ito ay dapat tularan.

Magandang ikaw ay naniniwala sa iyong sarili, dahil lahat ng pangarap na gusto mong maging ikaw, paglaki mo ay may kaakibat na kilos na galing din mismo saiyo. Ikaw lang din kikilos para maging successful ka! Ikaw mismo ang susi sa tagumapay na nakandado.

"Chief Zion, idedeliver na po ang mga Spring Seeds mamaya, hintayin na lang daw po natin." Tumango ako. Habang hinihintay ang mga Spring Seeds ay napatingin ako sa rankings ng Lord's Ranking, isa-isa na nitong binabanggit ang ranks ng mga Lord. Usap-usapan din ito sa Cross-Server Chats na may halo-halong [Lord] at [Adventurer].

For some reason nakikita rin ito ng Zion's NPC's, paano? Nakasulat kasi ito sa langit na may gintong panulat. Nakalagay ang [IGN] ng [Lord] at ang teritoryo nito pati ang points nito.

Sa ngayon inuna ang pang-100th [Lord] sa ranks at ayon sa ranking ko, dulo-dulo pa ako mababanggit. Sa ngayon mas importante ang Spring Season, isa pa busy ang lahat ng mga manlalaro at hindi pa napapansin na wala na silang mabibiling Spring Seeds sa mga susunod na araw.

Kalaunan ay dumating na rin ang aming Spring Season, dumaan sila sa isang gate namin, malapit sa karagatan para hindi sila makita ng mga kalapit naming teritoryo, kapag nakita rin naman nila sasakupin na lang namin ang teritoryo na iyon at papatahimikin sila.

Sinuri ko ang sobrang daming karwahe, nasa loob ng mga karwaheng ito ang goods na naglalaman ng aming Spring Seeds. Medyo mabagal din ito dahil isa pa masyadong primitive ang pamumuhay sa New World, kung hindi ko nga alam na may magic dito sa laro sasabihin kong sobrang late ang paraan ng pamumuhay dito sa mundong ito. Hindi ko pa rin pala nasabi na, wala talagang kuryente sa mundong ito... Mga apoy ang gamit namin, isa sa malaking source bakit nagkakasunog.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon