VOLUME 2 - CHAPTER 58: Zion's Might

84 9 0
                                    

ZION'S POV

Hinintay lang namin matapos ang oras na ibinigay para matapos ang Autumn Season at nagbigay na ulit ng Rewards. Sinumulan ulit sa Top 100 at dulo na naman sa Top 1.

Habang hinihintay kung anong premyo ang ibibigay, nagsagawa ako ng pa-meeting.

"Attention! Secretaries and Generals. I applaud you from your previous hardwork and sacrifices. You may get an additional bonus from my personal wallet." Tuwang-tuwa naman ang mga Secretaries at Generals ko.

"Makakatanggap din ang mga may naiambag sa inyo, Sophia. Pakilista ang sumama sa research ng Zion's Research Association patungkol sa pests and plant diseases." Dagdag ko pa. Tumango naman si Sophia, masaya. Napatingin ako kila Expeditus, Victus, Erastus, at Wyatt Agares, hindi sila ganong kasaya dahil wala sila masyado nagawa. Napabuntong hininga ako, hindi mo rin naman kasi gagamitan ng espada o ng Magic Powers ang mga pests at plant diseases, isa itong natural na nangyayari kapag nagtatanim. Nagkataon din na isa itong Challenge na gawa ng laro.

Inisip kong tapusin na ang meeting pagkatapos ng iba pa nila sa aking report.

***

Mabilis umusad ang Rankings para sa Autumn Season hanggang umabot na nga sa Top 10.

Ang inaabangan ko rin dahil dito magdidikta kung tama kami ng hinala na may kinalaman ang Winter Season sa pag-conquer ng New World - Super World.

Bagamat sigurado ng doon patungo, nakakapanlumo pa rin na makumpirma ito.

Top 10: [Nameless Lord]
Rewards:
• Sword: Ashbringer
• Armor: Goussets of Versatility

Top 8: [Lord Zayn]
Rewards:
Sword: Atlantis
Armor: Deathwalker

Top 6: [Lord Wayne]
Rewards:
• Sword: Durandal
• Armor: Feral Warrior

Top 4: [Lord Arthur]
Rewards:
• Sword: Diablo
• Armor: Horned Helm of the Nine Hells

Ang Top 10 to Top 4 ay nakasulat sa ginto ngunit pagsapit ng Top 3, ang ginto ay nagkaroon ng glow na puti.

Top 3: [Country S Royal Family]
Rewards:
- Food Reserves Card (1000)
- Armor Reserves Card (1000)
- Weapon Reserves Card (1000)
- Medkit Reserves Card (1000)
- Manpower Reserves Card (1000)
- Troops Reserves Card (1000)

+1 Congratulations from Lord Zion.
+2 Congratulations from Lord Aeloxious
+10,000 Congratulations from Lords...
+25,000 Congratulations from Lords...

Nakakagulat na wala na roon ang espada at armor kundi cards na valuable rin at katumbas lang o baka nga mas higit pa sa natanggap ng unang mga Lords.

Mabilis na sumunod ang Rewards na para kay Aeloxious. Nakasulat pa rin ito sa ginto ngunit may glow na violet.

Top 2: [Lord Aeloxious]
Rewards:
- Food Reserves Card (5000)
- Armor Reserves Card (5000)
- Weapon Reserves Card (5000)
- Medkit Reserves Card (5000)
- Manpower Reserves Card (5000)
- Troops Reserves Card (5000)

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon