CHAPTER 24: Shooting Onself In The Foot (2)

447 67 3
                                        

3RD PERSON'S POV

Pagkatapos utusan ng ating bidang si Zion ang kanyang dalawang heneral na sunduin ang mga NPC's sa Survivor Camp, agad-agad silang naglakbay at pinuntahan ang lugar nga na iyon.

Dahil hindi nila alam saan nga ba talaga matatagpuan ang Survivor Camp, sila'y nagtanong-tanong, kasama ang sampung libong bilang ng Sundalo ng Zion's Territory mukha silang susugod sa kalaban.

Takaw atensyon din ang kanilang mga magagandang Armas at Panangga dahil na rin sa palatandaan na tatak Zion sa kanilang mga Armor nalaman ng iba na taga-Zion's Territory sila.

Ang mga napagtanungan naman nila ay sinabi nga ang katotohanan at nag dagdag pa ng impormasyon...

"Merong isang alyansa ng mga tao (NPC's) sa gitnang mapa at isa na naman malapit sa silangan, naghahanap sila ng matitirahan o tatanggap sa kanilang teritoryo. Kung pupunta kayo roon, sasamahan ko na kayo."

Sabi ng isang NPC na naglilibot lamang at papunta rin sa Survivor Camp dahil naghahanap din siya ng matitirahan. Habang tinuturo niya ang lugar na nabanggit, ay nalaman din ng mga sundalo na wala siyang titirahan at kaya siya pupunta sa nasabing lugar na iyon at pansamantala muna siyang doon maninirahan at maghihintay na may kumuha sa kanyang teritoryo.

Nung napagtanungan din siya ay hindi naman niya inisip na mangarap ng malaki na baka yayain siya ng mga ito sapagkat sino nga naman ba naman siya diba?

Ngunit ng malaman ito ng Zion's Soldier umabot ito sa pinakamataas na heneral.

"Tutal wala ka rin namang matitirahan sa amin ka na lang." Sabi ng isang sundalo doon sa walang matitirahan na NPC, laking tuwa na lamang nito at agad itong tinanggap.

Para sa mga katulad niya na tao ang natatanging magliligtas na lang sa kanila ay ang Survivor Camp, ang Survivor Camp ang pansamantala munang mag bibigay ng tirahan at pagkain para sa kanila, sino ang nagtalaga rito?

Walang iba kundi ang Alyansa ng mga Solo Player o mga Adventurer Players.

Kadalasan ang ibang Adventurer Players ay ginagamit ito para kumita sila sa halagang 3 Honor, maaaring makabili ang mga Lord sa mga Adventurer Player ng NPC's.

Meron namang mababait na Adventurer Players na sadyang naaawa dahil katulad ng mga walang matutuluyan na NPC's diba ganon lamang din sila? Isa pa hindi raw kasi ito makatarungan at bilang tao ang pagbebenta ng isang tao sa paraang slaves ay hindi maka-kapwa-tao.

Ang pinagkaiba lang ng Adventurer Players sa NPC's meron silang malayang desisyon upang gawin ang ganung gawain.

Ang buhay ng mga Adventurer Players ay walang hanggan, kahit pa mamatay ka mag r-respawn ka lamang sa ibang lugar, mababawasan ang level mo at tuloy na naman ang buhay ngunit hindi ganon ang mga NPC's marahil gawa sila ng mundong ito, mahigpit ang sistema sa kanila.

Hindi sila sing-lakas at sing-laya ng mga Adventurer Players, may isa lamang silang buhay at hindi pwede maglibot-libot, laban sa sama-samang mababangis na hayop wala silang kalaban-laban duon. Kaya dapat sila'y may natutuluyan,

Kadalasan naman sa kanila ay may pamilyang binubuhay, kaya importante na lamang ang matitirahan sa kanila o mga teritoryo na pagmamay-ari ng mga Lord.

Kung tatanungin mo naman bakit wala silang Lord? Gayong may respawn/recruitment naman sa kanilang mga teritoryo?

May mga pangyayari na maaari silang bigyan ng system ng random spawn kung saan wala silang territory sa simula, mailap ito mangyari kaya naman binigyan sila ng skills sa isang bagay.

Ang iba sa kanila'y magagaling lumaban, matatalino at hindi mawawala ang mga NPC's na sadyang malas lang talaga. May mga pangyayari namang galing sila sa nasirang Village at kailangan nilang umalis para maghanap ng panibagong malakas na teritoryo.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon