CHAPTER 36: Proficient Capital City Upgrade

345 40 9
                                        

ZION'S POV

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin paglabas ko sa teritoryo, may mga bata na naglalaro saktong paglabas ko sa Manor. Masaya silang nag tatakbuhan, bakas ang kasiyahan sa kanilang mukha dahil sa kanilang inosenteng ngiti na nakapaskil sa kanilang labi. Napangiti na lang din ako.

Ito ang isa sa mga dahilan bakit gusto ko maging maayos ang future ng Zion's Territory. Ang mga batang ito ang sumunod sa henerasyon ng populasyon ng mamamayan ko, gusto ko na manatili silang masaya dahil ang problema na aming kinakaharap ngayon ay problema ng matatanda at dapat nasa maayos na kalagayan lamang ang mga batang ito, malayo sa gulo.

Siyempre masaya rin ako hehe. Nasa proseso na ng pagbenta ang mga isda na napangisdaan ng mga sundalo at ibang kasama namin sa paglalakbay, masaya ako dahil hindi na ako magiging broke. Pwede na ulit ako mag lagay ng pera sa banko ng teritoryo at umikot ang pera sa loob ng teritoryo.

Pwede na naman ako mag-shopping at hindi pumikit at masaktan lamang kapag di ko afford ang mga bibilhin. Mag s-spring na at dapat makabili na dapat kami ng seeds hindi ko alam ano ang mangyayari sa Spring Boss.

Napapaisip na rin ako ng mga factors na maaaring mangyari sa hinaharap, naisip ko na malaking factor at nasa 70% na baka magtanim lang kami kapag Spring Boss, kagaya ng Winter Boss hindi lumabas ang inaabangan naming Winter Boss ngunit ayon sa nangyari sa ibang teritoryo may namatay pa rin sa iba dahil sa sobrang lamig at ibang hayop na nabubuhay sa klimang malamig ang mga dahilan ng pinsala. 20% naman na ang haharapin namin sa oras na iyon ay magkaroon ng peste at hindi makapag tanim, ito ang pinakapanget na maaaring mangyari sa Spring Season. At ang panghuli ay ang natirang 10% na hindi lumabas ang Spring Boss ngunit matulad lamang sa Winter Boss, kung saan ang kalaban namin ay ang mga hayop.

Wala rin namang masama na bumili ako ng maraming seeds na itatanim, 'yung iba ay pwede kong itanim sa susunod na buwan, kapag naman nagkulang ang lupa ay walang problema na mag-utos pa ako na i-expand ang sakop na lugar ng teritoryo ko.

Mukhang kailangan ko na rin mag-upgrade ng base. Mas magandang mas maaga, upang magkaroon kami ng advantage sa ibang teritoryo. Tiningnan ko ang presyo sa susunod na upgrade.

[Upgrade to PROFICIENT CAPITAL CITY 3?]
• 250,000 Honor
[Required Population Limit]
• 70,000

[Requirements are meet]
[Upgrade] or [Ignore]

Pinindot ko ang [Upgrade] at pagkatapos nuon ay lumabas na naman ang isang notif,

Since you upgraded your CITY into PROFICIENT CAPITAL CITY please choose what do you want the system to build for you?

[Underground City Level 3] or [Floating City level 3]

Pinili ko ang [Underground City Level 3] dahil sa pagkakaalam ko balak gumawa ng maraming Devil Armies si Pain, need ko talaga ng space dahil may bago akong subordinate na Embodiment of Wrath at mukhang battle maniac din 'yun, kaya kailangan din nun gumawa ng armies, maaaring sing-lakas ng armies ni Pain ang kanyang gagawin o mas malakas pa. Mas maganda lang na wala na akong magiging problema.

Ang dating Underground City Level 2 ay naging Underground City Level 3 na.

System Notif:
[Do you want to announce your name and your territory in Cross Server Chat? You are rewarded 100,000 Honor]

[Yes] or [No]

Pinili ko ang [Yes] dahil nakayanan kong i-upgrade ang teritoryo ko kahit pansamantala muna akong broke. Isa pa masaya rin ako i-share sa iba na ang teritoryo ko ay umalis na sa pagiging Novice nito kundi isa na siyang Proficient.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon