SOPHIA'S POV
Nagpaalam ako kay Chief Zion kung pwede ba akong manghiram ng bakanteng kwarto na pwede kong gamiting laboratory sa experiments ko.
Ngayon lang ako mag e-experiment at ito ay ang Healing Potion, nagmakaawa pa ako kay Chief Zion para mahingi ang recipe nito. Buti nalang talaga pinahiram niya sa akin ang mismong original na papel.
Sa mata ko, para itong golden paper sa sobrang importante.
Kinakabahan man ako ay tuwang-tuwa naman ang puso ko, sa pagpapahiram sa akin ni Chief Zion nito ay siguradong pahiwatig ito na may tiwala siya sa akin.
Gagalingan ko ang experiment na ito para hindi masayang ang chance at tiwala na binigay niya sa akin.
Tiningnan ko ang mga variables na mag-rereact sa aking experiment.
Sa dami ng variables ay dalawa lamang ang nag-react sa Healing Potion, una ay 'yung honey.
Ang effect kasi ng Healing Potion ay ganito.
[Healing Potion]
• A 100% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all diseases can be healed instantly.
Ngunit kapag sinama mo ang Honey magkakaroon ka ng
[Honey w/ Healing Potion]
• A 200% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all diseases can be healed instantly.
Sunod na sinubukan ko ay ang Regular Flower, naisip ko kasi na dahil maraming Regular Flower ay bakit hindi ko ito gamitin sa Healing Potion.
[Regular Flower w/ Healing Potion]
• A 200% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all diseases can be healed instantly.
At nakakuha ako ng idea na pagsamahin ang Honey + Regular Flower
[Medium Healing Potion]
• A 300% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all diseases can be healed instantly.
Nang malaman ang resulta ay agad akong tumigil sa pag-experiment at sinabi ang magandang balita kay Chief Zion.
Lubos naman siyang natuwa at masaya rin ako dahil doon.
Mabuti naman nasuklian ko ang kabutihan na ipinakita sa akin ni Chief Zion.
Habang nakatingin kay Chief Zion, na ngayon ay nag-uutos na sa iba na i-harvest na ang Regular Flowers at Flower Nectars. Naisip ko na kailangan ko pang pagbutihan ang pag research na siguradong makakatulong sa Zion's Territory.
***
Ang Research Association ng Zion's Territory ang pinakamagiging kilalang eksperto ng siyensia pagdating sa ganitong larangan, isa rin ito sa magiging susi kung bakit ang Zion ang pinakamalakas na Teritoryo sa buong New World. Ngunit ang lahat ng ito ay mangyayari pa lang.
***
ZION'S POV
Sa pagtutulungan namin, ang quota ko na 11,000,000 Flower Nectar ay mabilis naming naabot at hindi pa ito humihinto sa pagtaas.
Importante ang Flower Nectar ngunit dahil alam ko na rin ngayon gaano ka-importante ang Regular Flowers sa pagboost ng Healing Potion ay sa mata ko magkatimbang lamang ang dalawa.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at binuksan ko na ang Trading Section ng Flower Festival.
[Special Trading Section]
[Note: You can only exchange the reward for once. First come, first serve.]
Una kong in-exchange ay ang Top 1 na Item.
[Top 1 - Diamond Wall (Blueprint)]
[Durability: 5000/5000]
[Magic Attack: Immune]
[Flower Nectar to Exchange: 5,000,000 Flower Nectar]
[Details: This is the upgradable wall version of Iron Wall.]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ficção Científica(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
