ZION'S POV
Kinabukasan na nung magbukas akong muli sa laro, agad bumungad sa akin ang mga notif.
Una siyempre doon ang notification sa pagtatapos ng Winter Boss at sa pagiging ligtas ng teritoryo namin.
[Rewards]
• Honor Chest (5)
• Rare Blueprints (Random <> territory)
• 1,000,000 Honor
• VIP CARD
[Winter Boss Loot]
• Fallen Armor
• Honor Chest (5)
• 1,000,000 Honor
Pwede na yata akong lumipad sa langit sa sobrang saya ko, meron akong 2,250,000 na Honor galing sa reward at doon sa Honor Chest na ang laman ay 25,000 kada chest, ang isa pa sa okay na reward ay ang VIP Card na pwede kong gamitin sa Massive Auction.
[VIP CARD - Bronze]
Player who hold this card may obtained a separate VIP room, provided with food, cozy room, and a cute girl to serve the player, 10% off in his/her purchase. Usable in the upcoming Massive Auction.
[Note: The System gives players VIP Card but not all VIP card are equal in terms of ranks and benefits; check for more details~~~]
• Bronze Vip Card
• Silver Vip Card
• Gold Vip Card
• Diamond Vip Card
• VVIP Card
At 'yung Fallen Armor para lamang 'yan sa mga Lord na Player kagaya nung Fallen Sword ko, hindi ako sure kung may matatanggap pa ako na galing sa Fallen something, malay natin may Fallen Horse, Fallen Flying Mounts Etc. Etc.
Dahil sa hindi maraming bilang ng mga NPC's o mamamayan namin na nagkasakit, namatay, o nagkaroon ng delikadong pangyayari ay mataas ang success rate namin pagdating sa Winter Boss.
Isa pa marahil hindi lumaban ang Winter Boss naging madali na lamang ang mga nangyayari.
Pangalawang Notif ay patungkol sa Massive Auction. Muli akong nalungkot siyempre dahil nagkaroon ako ng Honor (pera) siyempre hindi mawawala ang pagkakaroon ng gastusin, kinakabahan ako sa mangyayaring Auction dahil sa baka maging katulad ako ng iba na one time big time.
[System Notif]
• After Fighting Winter Boss, A massive global auction will take place, a Lord with 10,000 Honor will be able to join.
Kapag titingnan ang aking status mabibilang na ang aking Honor ay nagkakahalaga ng 5,292,210
NAME: [ZION]
CHARACTER: [LORD]
PROFESSION: [BLACKSMITH]
EXPERTISE: [PROFECIENT 1 (CITY)]
HONOR: [5,292,210]
TERITORY: [ZION'S MAIN CITY] [FLOATING CITY LVL. 2] [UNDERGROUND CITY LVL. 2]
TERITORY POPULATION: [550,000/550,000]
AVAILABLE RECRUITMENT: [78~230 NPC's]
Guardian: [Guardian King of the Sea]
Contract: [King of the Night Dragon - Dragon Nocturnal]
Dahil hindi pa rin ako sure kung ilan ang items na i-o-auction at presyo nito aasa na lamang ako sa VIP Card. Iligtas mo ako VIP Card... Kahit bronze ka lang, alam kong babawasan mo pa rin mga gastusin ko.
Nang matapos ako sa pagbabasa ng mga notifications, kinumusta ko ang mga Secretaries ko sa bawat department na hawak nila at tinanong kung nagkaproblema ba habang wala ako ngunit mahigpit humawak sila Expeditus at Victus kaya naman walang napahamak.
AS IN WALANG NAPAHAMAK, NATAKOT LAMANG SILA SA PAMAMALAKAD NG DALAWANG GENERAL!!!
Siyempre hindi ko malilimutan humingi ng chismiss kina Sonia at Love patungkol sa balita sa kabilang teritoryo, mga kapitbahay namin.
Nalaman ko na saktong pagkalog out ko roon sila nakakatanggap ng mga balita sa kanilang look out at planted spy na may mga namamatay sa lamig o kaya naman nagyeyelo sa ibang teritoryo...
Hindi ko alam anong ginawa ni Pain para hindi mamatay ang mga tao sa North East na territory, since wala naman akong natatanggap na nanganganib na buhay ng NPC's ay hindi ko na pinroblema pa kung paano man naayos ni Pain 'yun.
Sana lang hindi niya natakot ang mga tao roon...
"Chief Zion malapit na po ang hinihintay ninyong Massive Auction, naihanda na po ang inyong susuutin." Paliwanag ni Sonia. Tumango ako at nagpalit na. Ito na ang pinakaaabang ko, ang makita na maubos ang pera ko -_-
---------------------------------------------------------
Sa loob ng teritoryo ko ay may isang sobrang laking spatial teleport ang lumabas, ayon sa system normal ito sa mga Lord's na dadalo sa inaabangang Auction. Para naman sa mga Adventurer Player may mga piling place sila na pwedeng paggamitan ng Spatial teleport.
Ilang kaibigan ang maaari mong dalhin sa Auction (depende sa room mo - VIP Card) dahil meron akong Bronze VIP Card maaari akong magdala ng isa, hindi ko alam ilan ang pwede sa hawak-hawak mong VIP Card, ang alam ko lang ay ang akin dahil 'yun ang meron ako XD.
Sinama ko si Expeditus sa Auction na 'yun. Siya ang magsasalita kung bibili ba o hindi, ayaw kong ako, baka magsisi ako atleast kapag broke na ako sasabihin ko na lang sa sarili ko na "Kalma, ang bumili niyan si Expeditus, kasalanan ito ni Expeditus."
Nakarating kami sa sobrang laki't mataas na gusali, ilang palapag ito ngunit pagkapasok namin ay potek sobrang daming mga Players, kung totoong lugar ito tapos napunta ka sa mga nasa ibaba kasama ang populasyong ito, hindi ka ba matatakot magsabi ng malaking halaga dahil parang dito ka na rin mananakawan...
Ang gusali na ito ay may anim na palapag... Umakyat na kami sa itaas kung saan huminto kami sa pangalawang palapag,
Para sa mga regular bidder o mga Players na walang hawak na VIP Card duon sila sa First Floor, sobrang daming upuan na maaaring upuan ng lahat ngunit kapag pahuli-huli ka at sadyang sobrang daming players ikaw ay tatayo, ang lahat ng may hawak ng Bronze VIP Card ay nasa second floor, Silver VIP Card naman ay third floor, Gold VIP Card naman ay fourth floor, Diamond VIP Card naman ay Fifth Floor at ang pinakamataas at pinakaimportante sa lahat ay ang nagmamay-ari sa VVIP Card kung saan sakop mo ang buong itaas ng Sixth Floor.
Nalaman ko lang din na pwede ka palang bumili ng VIP Card gamit ang totoong pera... Hindi ako katulad ni Kuya Alexander na gumagastos ng malaking halaga ng pera para maging VIP 15 agad o VIP 20 sa mga nilalaro niya...
[Huwag po kayong maniwala sa pinagsasabi ni Zion, late po talaga niya nalaman na pwede kang bumili ng VIP Card naubusan siya ng VIP Card - Author here]
Ang mabibili mong VIP Card ay hanggang Diamond VIP Card, binibigay ng system ang VVIP Card sa karapat dapat. At bawat VIP Card ay may limit.
50 Bronze VIP Card,
25 Silver VIP Card,
15 Gold VIP Card,
5 Diamond VIP Card.
1 VVIP Card
At kung sakaling nabibili man ang VVIP Card ay sinama ko na rin...
Kaya naman kasali ako sa isa sa 50 Rooms na inaalok ng Auction House.
"Attention!!!
The massive auction will be starting after 1 Minute, thank you for coming"
---------------------------------------------------------
[VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS - CHAPTER 27: MASSIVE AUCTION (1) FIN]
Next Chapter will be the highlights of the auction, ang mga pera ay unti-unti ng nagkakawalaan sa wallet ng ating bidaXD.
"Expeditus kasalanan mo itong lahat, experession ng ating bida from $_$ to •_•"
Mamadaliin ko update my beloved lux, may ilalabas kasi akong bagong mapa ng New World. Ingat kayo palagi, be happy. Love lots!
~ ♡Somniator_lux09♡
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
