ZION'S POV
Napakunot ako ng nuo sa nabasa sa rewards. Shrine Talisman?
Kayang mag-wards off ng Evil Pests and Plant Diseases? Mukhang may kinalaman ito sa Autumn Season Boss ah.
Tamang-tama nag-utos ako sa Worker Department at Agriculture Department ko na mag-tanim, ipapa-try ko sa kanila itong Shrine Talisman. Ipaskil sa Wall ng Teritoryo. Ngunit bago pala iyan, dapat magawa muna ang Diamond Wall.
Nanakit ang ulo ko kakaisip ng buong teritoryo. Huminga ako ng malalim at sinabi ang napansin ko sa Secretaries at Generals ko. Tumango sila at nagbigay din ng opinyon.
Kaya sa unang buwan ng Autumn Season kami ay nagpalit ng Wall. Ang dating [Iron Wall] ay ngayon ay [Diamond Wall] na. Dahil nakakabit ang [Basic Cannon] at [Advance Cannon] sa dating Wall, naisipan kong baguhin na iyon at palitan ng magandang Cannon at mas masakit. Pa-empire na kami tapos makakakita ka ng Cannon na gawa pa sa kahoy, kaya bilang pag-upgrade ng Defense, nag-utos pa ako na i-upgrade ang Offense ng teritoryo.
Habang pinapalitan ang Defense at Offense ay siyempre napunta sa vulnerable state ang Teritoryo namin, mabuti na lang at ang ibang Lords ay inaayos pa ang kanilang Teritoryo. Sinimulan ang pagbabago ng Diamond Wall sa 16th Wall at huli ang pinakaloob.
Nagkaroon din ng 24/7 station ng Soldiers na nagbabantay sa apat na cardinal direction ng buong teritoryo habang nasa pagpapaunlad kami.
Naisipan din na hindi na bubuksan ang Floating City sa pampubliko, mayaman na kami. Hindi na kailangan pang mag-trabaho ng mga Flying Mounts, sila ay gagawin na naming Offensive Type na mga Mounts.
Si Nox naman, huwag na natin siya hanapin. Malaya na itong lumilipad sa 1st Wall to 10th Wall. Wala na rin namang Adventurers sa loob ng teritoryo ko, pinalipat ko sila sa South Easter Human City, sayang din kasi ang buff doon na nakukuha ko.
May pinagkukuhanan din ako ng income kapag doon sila tumira. Abot pa rin naman ito ng proteksyon ko kaya walang mawawala sa kanila. Pabor sila ngunit mas pabor sa akin ang desisyong ito.
Hindi ko rin nakalimutan i-chat si Aeloxious para magpagawa ng coat and clothes para sa Zion Citizens. Tumango naman siya.
Hindi ko na problema ang Honor o pera rito sa laro, ang problema ko na lang saan ko ito gagastusin.
Natapos ang pagpapalit namin ng Defense and Offense sa Teritoryo ko, tumagal din ng isa't kalahating buwan. Kaya pagkatapos nun, nag-tanim na kami ngunit hindi ko nakalimutan ipaalala sa kanila na gumamit ng Shrine Talisman, one time use lamang ito kaya pagkabukas o pagkagamit mo ng talisman, tuloy-tuloy na ito ngunit may hangganan siya, hanggang dulo lamang ng Autumn Season. Kaya binuksan lamang namin ay 70 piraso, 50 sa pagtatanim at 20 naman sa tirahan ng mga mamamayan namin. Ang natirang 30 ay wala pa kaming idea anong gagawin.
"[Open Status]"
NAME: [ZION]
CHARACTER: [LORD]
PROFESSION: [BLACKSMITH]
EXPERTISE: [EXPERT (KINGDOM 1)]
HONOR: [45,000,994,000,000]
TERRITORY: [ZION'S MAIN CITY]
• [UNDERGROUND CITY LVL. 5]
• [FLOATING CITY LVL. 5]
TERRITORY POPULATION: [5,000,000/5,000,000]
AVAILABLE RECRUITMENT: [980~3000 NPC's]
Guardian: [Guardian King of the Sea]
Contract: [King of the Night Dragon - Dragon Nocturnal]
Summoned Beast: [Fox - Unknown Origin]
Pet: Tiangou [Dog Form - Mythical Creature]
Bloodline: [Emperor Dragon Bloodline]
Affinity: [Fire Element]VILLAGE BUILDINGS:
• MANOR (IRON)
• HOSPITAL (IRON)
• BARRACKS (IRON)
- 30,000/30,000 On foot Soldiers
- 30,000/30,000 Magical Soldies (Mages/ Healers)
- 20,000/20,000 On Horses (Archers/ Spears)
- 25,000/25,000 Naval Soldiers
- 45,000/45,000 Devil Armies
• Shrine
- Unknown Shrine
- Sea Goddess Blessings
- Yin and Yang Twin Agri-Goddess
• Barn (IRON)
• Smithy (IRON)
• Factory (IRON)
• Treasury (IRON)
• Dock (IRON)
• Bank (IRON)
• School (IRON)
• University (IRON)
• Den (IRON)
- Farm Animals
• Stable (IRON)
• Coop (IRON)
• Defense
- Diamond Wall (From 1st to 16th Walls)
[Durability: 2000/2000]
• Attack
- Upper Small Cannon (58Bldg)
[1500 DMG per ATK]
- Magic Tower (19Bldg)
[5000 DMG per ATK]

BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science-Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...