PRINCE CASPIAN'S POV
*RING RING*
*RING RING*
*RING RING*Pagkatunog ng pang huling ringtone ay tsaka ko lamang ito sinagot.
"Ano 'yun? Tawag ka nang tawag?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Snob ka na ngayon Caspian. Ngayon na magsisimula ang larong VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS. Bata pa lamang tayo hinihintay na natin ang larong ito. After so many surveys, beta test, and trials ito na! Ito na ang panibangong simula." Tumawa pa ang nasa kabilang linya habang pinapaliwanag ang nararamdaman niya.
"Hmm. Ano naman?" Tanong ko.
Totoo ang sinabi ng nasa kabilang linya na si Athena Morelle.
Hindi ko alam saan ko napulot ang babaeng ito at nakalaro ko siya dati sa *No Name* simula rin nun hindi na siya nag tangkang iwanan ako.
Ang dating 5 years old lamang na batang nag lalaro ng Virtual Reality ay ngayon ay 20 years old na.
"Anong ano naman, ang boring mo talaga kahit kailan. Siyempre pag nagsimula na ang laro, paunahan 'yan sa pag pili ng lupang titirikan ng lugar mo. Diba sabi mo sa akin nung nakaraan gusto mong maging Lord sa laro. Dapat maaga kang makalaro para makapili ka nang magandang lugar." Inis na ang pag kakasabi ng babaeng kausap ko. Sigurado rin akong napa-roll eyes na ito.
"Do not worry. Ang kausap mo yata ay si Prince Caspian Amory. Sinong mag tatangkang umagaw nang lupa ko?" Ngumisi ako.
"Oh yeah, kapatid mo ang isa sa pinakamayaman na tao na si Alexander Amory, Tita mo ang pinakamaganda at mayaman na babae na si Alina Nafertari - Amory tapos kalaunan lamang naging ninong mo si Kevin Ozi Ociel. Father mo naman ang Hari nang Europe. Ngayon naman naging girlfriend mo na ako. Oh yeah! Sinasagot na kita, magdiwang ka." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babae na ito.
Tama ang mga naunang sinabi niya ngunit kailan ko pa naging girlfriend 'to?
"Hoy Babae, Nababaliw ka na ba? Kailan pa kita niligawan para ako ang sagutin mo? Pakipaliwanag ng maayos." Hindi ko siya nililigawan, ang utak lang nang babaeng ito ang nag-iisip nang kung ano-ano.
"Huwag mo nang itanggi Mr. Prince Caspian, sooner or later ang kausap mong ito ay magiging Mrs. Amory mo. Basta dapat maaga kang mag laro nang mag kasabay tayo." Tumawa ang babaeng ito at binaba na nang mabilisan ang kabilang linya.
Napahawak ako sa aking sintido at hinilot ito ng dahan-dahan
Ang babaeng 'yun ay kaibigan ko lamang dati at nakalaro rin sa isang Virtual Reality Game ngunit hindi ko alam na ang batang 'yun ang anak ng isang artista at ng isa pang pinakamayaman na tao sa buong mundo.
Si Jones Morelle. Ang may hawak ng malawakang kalakalan na isinasagawa sa karagatan sa buong mundo.
Nagising na lamang ako kinabukasan bilang 10 years old, nakatalaga na ang kasalan na mangyayari pagsapit ng 20 years old kay Athena Morelle.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa swivel chair at dumiretso sa malaking pintuan. Pagkabukas nun ay isang madilim na lugar ang bumungad sa akin, hindi naman sobrang dilim dahil kahit papaano ay may nakikita pa rin ako.
"Aalis ka na po, Boss Prince?" Tanong nang Secretary ko. Tumango ako at ng masenyasan siya ay agad nitong hinawakan ang telepono at may tinawagan.
Pagkababa ko ng 1st Floor galing 104th floor ay naghihintay na ang Personal Driver ko.
Natawagan na ng secretary ko ang susundo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/257432187-288-k236374.jpg)
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Bilim Kurgu(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...