CHAPTER 46: NPC's Wish

318 28 4
                                    

SPECIAL POV

Nabalot na ang aking puso ng pagka-inggit sa kapwa ko mga tao (NPC) Bakit ang iba ay talagang maswerte at napupunta sila sa mababait, o kaya naman malalakas na Lord. Kung saan sila ay inaalagaan.

Nakailang palipat-lipat na ako ng mga Lord na pinupuri at sinisilbihan ngunit bakit laging para bang kulang ito? Hindi ba ako naging sapat?

Sabihin man ng iba na ako ay maswerte dahil ako ay humihinga pa, parang ayaw ko na tuloy maging maswerte dahil kung bawat paghinga ko naman ay ako ay naghihirap.

Isang malakas na tunog ang nagpabalikwas sa akin sa pag-iisip, kasabay rin ng aking pagkatanto ay ang sakit na naramdaman ko sa aking likod.

Ang pinagsisilbihan ko ngayong Lord ay pang-tatlo ko na rin, iyong una ay doon ako na-summon ngunit hindi kinaya ng teritoryo namin na pigilan ang Autumn Boss. Marami ang nasawi sa amin at ako ay isa sa mga pinalad na mailigtas, ang sunod na teritoryo na aking napuntahan naman ay mas malayo kumpara sa una ngunit kahit papaano ay napapakain niya kami ngunit may diskriminasyon ang trato niya kumpara sa mga totoo niyang citizen laban sa amin na parang saling pusa.

Kaya ng manganib ang teritoryo niya ay kami ang una niyang isinakrapisyo. Maraming namatay sa mga kasamahan ko, at ako? Naiwan akong muli dahil nanalig ako, ayaw ko pang mamatay, kaya hindi pa ako nalilibing sa hukay.

Ito ang pangatlo kong pinagsisilbihan, ni pagkain ay hindi niya kami binibigayan at sa ilang araw na pag-stay ko sa teritoryo niya ay napansin ko rin na may hilig ito sa pagbubugbog at pananakit sa mga tao niya.

Isa lang sana ang hiling ko bago ko talaga hindi kayanin ang lahat ng ito, dahil pakiramdam ko sobrang nalalapit nang maputol ang tali na hinahawakan ko patungo sa pagitan ng buhay at kamatayan.

Sana kahit sa susunod kong buhay makahanap at makaranas ako ng Lord na may puso para sa mga tao niya. Isang malakas para kaya kaming protektahan ar isang Lord na hindi ka iiwan kapag nasa panganib na.

Bago mandilim ang aking paningin ay nasaksihan ko pa kung paano parang nag-panic ang Lord at nagsisigaw ng 'Enemy Attack'

Mamamatay na rin naman ako, bakit hindi na lang ako magpahinga at hindi problemahin ang mga nangyayari.

Baka ito ang Karma ng Lord na iyon.

Pumikit ako at humiga, ni pagmulat ng aking mata ay hindi ko na kaya.

***
Habang nakapikit ay naramdaman kong para akong dinuduyan.

Nasa langit na ba ako? Ito na ba ang pinakapahinga ko?

Sinubukan kong magmulat ng mata, sa unang subok ay mahirap, ngunit hindi ako sumuko, sinubok ko ulit at sa wakas ay tumambad sa akin ang maliwanag na bughaw na kalangitan.

Nanubig ang aking mata, sa pag-lock sa amin ng Lord sa madilim na lugar sa kanyang Village ay ang tagal na ng huling masaksihan ko ang kalangitan.

"Adventurer Xu Ji, gising na po siya." Narinig kong sigaw.

Ano ito? Sigaw ba ito ng mga anghel? Baka patay na talaga ako.

Nakarinig ako ng yapak ng sapatos at sa aking harapan ay may sumilip na babae.

"Mabuti naman, malapit na tayo kay Zion at sa teritoryo nito. Pilitin niyo ang inyong sarili na mag palakas, at maglakad pa. Gaganda ang buhay ninyo roon." Sabi ng babae na kakasilip lang sa akin kanina.

Muli akong pumikit at nagpahinga.

Kumikirot ang sugat ko sa likod ngunit hinayaan ko na lamang.

Sunod na pagmulat ko ay napansin ko ang mataas na pader at dambuhalang gate.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon