Previously
Chapter 46: NPC'S Wish[System Message]
Welcome to the New World.
You are given 24 hours to prepare.Chapter 47: Zion's Preparation
"Prepare a list of influential persons you can find around the world. Their influence in terms of knowledge, wisdom and so on. Give me the list inside the game. You can find me immediately, I am Zion."
---------------------------------------------------------
ZION'S POV
Pagkalog-in ko, ang inayos ko sa labas ng laro ay nandirito na agad sa loob ng laro. Kagaya na lamang ng pagpasok ng 90% na pera ko kapalit ng pera sa laro.
Ang sinabi kong 90% na pera ko na ipinasok ko sa loob ng laro, hindi rin iyon pera ng buong Amory Household kundi pera ko lamang sa nagdaang taon ng pagta-trabaho ko.
Hindi ko rin nakalimutang i-upgrade ang VIP Level ko, isa na akong ganap na VIP na may Diamond Card. (Chapter 27)
Hindi na ako kabilang sa mga Bronze Card lamang ang VIP Card. Kung tutuusin tumalon nga agad ako ng dalawang level. (Bronze > Silver >> Gold >>> Diamond >>>> VVIP)
Meron na lamang akong isang araw para maiayos ang Zion's Territory at palakasin pa ito sa puntong hindi na ito mahihigitan.
Kapag pumutok ang balita, paniguradong maraming mayayaman din ang maglalabasan para laruin ang laro na ito. Isa pa, hindi lamang players sa Pilipinas ang makakatapat ko, meron din sa ibang bansa. Ngunit pangungunahan ko na sila, habang sila'y busy sa New World, nasa ibang mundo na dapat ang pinag kakaabalagan ko.
Lalo na at sa lahat ng manlalaro, ako lamang ang may impormasyon sa lahat ng ito.
Nagpatawag ako ng pagpupulong.
"Ipatawag lahat ng Secretaries ng bawat department." Pag-uutos ko.
Hindi pa tumatagal ang ilang minuto, sa loob ng office ko, halos ang lahat ng upuan ay okupado na.
"Ipinatawag ko kayo, magkakaroon ng pagbabago sa mundo ng mga manlalaro. Mukhang sa susunod na mga araw, mawawala na ang pagiging immortal ng mga manlalaro." Paunang bungad ko sa kanila.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin, Chief Zion?" Pag tatanong ni Sonia.
"Kinilala niyo kaming mga manlalaro na kapag namatay ay muling mabubuhay pagkatapos ng ilang oras, ngunit sa totoong mundo kasi ay hindi malayong masakop ang bansa namin o ng buong mundo ng kung anong hindi maipaliwanag na kapangyarihan, isa lamang ang alam ko, ang bagay na iyon ay may kinalaman sa larong ito." Paliwanag ko kay Sonia.
"Kung gayon, dapat pala ay mag-ingat kayo palagi, Chief Zion." Sabi ng aking mga Heneral na aking tinanguan.
"Sa tantya ko meron pa kaming manlalaro na isang araw na paghahanda." Naglabas ako ng mapa at ipinakita ito sa kanila, nagturo rin ako roon. "Kaya sa susunod na mga araw, ating sasakupin ang bahaging ito ng mapa." Tumango naman sila at sinuri ang parte ng mapa na iyon.
"Kukuhanin na po pala natin ang buong South Eastern Map, paano po ang Human Cities at ang Stronghold po?" Pagtatanong ni Expeditus.
"Pababagsakin natin ang magtatangkang pumigil sa atin. Bumalik kayo sa aking tatlong Heneral pagkatapos ng mangyayari sa mga manlalaro. Mag-focus muna tayo sa paghahanda ng teritoryo natin sa hinaharap.

BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...