CHAPTER 14: Slapping Players In the Face Without Hurting My Palm (2)

457 56 5
                                    

ZION'S POV

D-devil?

Isang lalaking nakasuot ng itim na damit ang lumitaw sa aking harapan, magmula sa taas hanggang baba nito ay purong itim na kasuotan lamang ang masasaksihan.

Para sa 2000 Honor, isang Devil lamang ang na-summon, hindi ba parang lugi ako.

Sinuri ko ang demonyong nasa harapan ko at napahawak sa baba habang seryoso itong pinagmamasdan.

"Master." Yumuko ang lalaking nakaitim na may itim ding buhok sa aking harapan, habang ang kanyang maputing kamay ay nasa harap ng kanyang dibdib at nagbigay galang ito sa akin.

"Ikaw lang? Sure ba ang system na ikaw lang ang binigay sa akin?" Kumunot ang aking nuo.

"Opo, Master." Ngumiti ito at seryoso rin akong tiningnan.

Hindi ko alam pero sigurado akong wala naman itong gagawin sa akin ngunit kapag dumako ang mata niya sa iyo bibigyan ka nito ng nakakakilabot na pakiramdam.

Baka naman malakas ang demonyong ito, ika nga nila 'don't judge the book by its cover'

"Magpakilala ka. Ngayon din tsaka pwede bang tumayo ka na." Utos ko.

Ngumiti ang Demonyo sa aking harapan at tumayo na.

"Pain. 18, Devil." Tumango ito sa maikling pagpapakilala nito. Ultimo sobrang laking tulong ng maikling introduction niya.

"Iyon lang? Ibang hobbies? Interest?" Tanong ko, nag-aasam na magkaroon ng magandang kasagutan at kaalam sa demonyo.

"Hobbies - torture, killing, seeing the pain of the other human/demons and other living beings, I also like training until I collapsed. Hmm, interest... My interest will always be the interest of my Master." Ngumiti ito nang mas malawak pa at lalong kumunot ang aking nuo.

Hinilot ko ang sintido ko...

"Do you like a soothing tea, My Master?" Tanong nito, tumango na lamang ako, mamaya ay pinatunog nito ang kanyang hinlalaki at hinlalato.

Lumitaw sa harapan nito ang Tea Set at Tea Cup. Swabe at kalmado nitong nilalagyan ng tsaa ang tea cup at ibinigay niya ito sa akin nang siya'y matapos.

Dala ng pagkahanga sa kanyang ginawa, nalalanghap ko rin ang aroma na mabango, may flavor?

"Tsaa po iyan na may aroma ng sariwang prutas na matatagpuan sa [Devil's World]. Tikman po ninyo, Master. Baka inyong maibigan." Ngumiti ito ng inosente.

Ayon sa contract ng summoning kapag mag s-summon ka ng mas malakas na demonyo 'yung malalakas ang maaari kang kainin.

Habang iniinom ang tsaa ay talagang pinakakalma nga nito ang aking pakiramdam.

Speaking of summoning siguro mahina itong demonyong nagngangalang Pain?

"Pain." Tawag ko sa kanya na busy magsalin ng tsaa sa tea cup niya.

Nang marinig ang tawag ko ay tumingin ito sa akin, masaya ang kanyang mukha.

"Master?" Sagot nito pabalik. Pagkatapos niyang masalinan ang tea cup niya ay elegante nitong ibinalik ang lalagyan ng tsaa niya sa kung saan man.

"Magkwento ka ng tungkol sa mga demonyo na katulad mo" Sabi ko. Tumango naman si Pain.

"Sa Mundo po namin ay kapag mas malakas ka, mas hahanggan ka. Ang malalakas ang mananatili sa tuktok. At ang malalakas na iyon ay may sinusunod na batas

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon