Merry Christmas everyone ~ Somniator and the Characters of Virtual Reality: Godly Gifts.
---------------------------------------------------------
ZION'S POV"Chief Zion, good news po. Nagsisimula na pong ma-hatch ang Flood Dragon Egg, nagkakaroon na po ito ng crack at mukhang ilang minuto na lang po ay makikita na po natin ito." Balita sa akin nung isang utusan.
Tumango ako at nagpasalamat, dali-dali naman akong pumunta sa Mountain malapit sa amin o kilalang Obscure Mountain. Sobrang laki ng Obscure Mountain at hindi lahat ng part na ito ay pagmamay-ari ko kaya may nilagay kaming barricade at kada oras ay may nagbabantay sa mga balak pumasok, lalo na at paboritong spot ito ni Nox baka magalit ito kapag ginambala siya sa kanyang pagtulog.
Isa pa wala rin kasing nakakaalam kay Nox. Si Nox ay isa ring alas namin sa mga labanan. Ang mysterious ng Zion Territory no? Maswerte kayo, kayo lamang nakakaalam ng lahat ng ito. XD
Nagpunta na ako sa Part na tinaguan ko ng Flood Dragon Egg, nakuha ko ang itlog na ito dahil sa isang bargain ng adventurer players sa pagpapatira sa kanila pagsapit ng susunod na Winter Season.
Nang malapit na ako ay totoo ngang may crack na ito, naghintay pa kami ng ilang oras hanggang sa tuluyan na naming nakita ang bagong dragon.
Nangingilala ito at nang mapako ang tingin nito sa akin ay umiyak ito.
"Hoy Dragon, sa kapogian kong ito, ikaw pa lang gumagawa niyan sa akin. Pero sabagay, sino ba namang hindi maiiyak sa pagmumukhang ganito? Kapag nakita mo ito, parang dream come true na rin ito, maiiyak ka talaga sa tuwa." - Shameless Zion2022.
Nagmamadaling umalis ang dragon sa egg shell nito at iika-ika siyang lumapit sa akin, lumuhod ako para maabot niya ako. Hinimas ko naman ang katawan (scales) nito, nagulat ako dahil ang scales niya ay sing lambot ng tissue paper. [1]
Ang cute kaya hinamas ko pa ito, mukha naman nagugustuhan ito ng Dragon dahil nag p-produce siya ng kakaibang sounds.
Ano kaya magiging ekspresyon ni Nox dito, may kapatid na siya.
Ang iniisip ko ay bigla ngang dumating, grabe mga mind reader ba kayo? Ganun din iyong summoned beast ko, hindi ko siya hinanap dahil ang ayaw magpakita ay hindi mo mahahanap, ngunit ngayong inisip ko, tsaka sila nagpapakita.
"May naamoy akong isang Lesser Dragon malapit sa atin Zion." Saad ni Nox [2]
"Nox meet my Newly Hatched Dragon." Pagkasabi ko nun, natigilan si Nox.
"Isa itong Lesser Dragon ah, Flood Dragon." Paliwanag ni Nox.
"Yes, alam kong isa kang Ancient True Dragon Nox ngunit sa loob ng teritoryo ko ay pantay-pantay tayong lahat. Sana maging magka-close kayo." Ngumiti ako at masayang pinaliwanag kay Nox ang nasa isip ko talaga at gustong mangyari.
Tumango na lang si Nox, walang magawa. Bumalik din siya sa pag tulog. Habang ako ay naiwan at inalagaan ang bagong dragon na ito.
Iniwan ko rin ang Flood Dragon at isinagawa ang iba ko pang gagawin tulad na lang ng paghingi ng update sa Healing Potions ni Sophia.
Nakatanggap naman ako ng magandang balita, habang inaayos ang internal at external problems sa Zion's Territory ay hindi ko rin kinalimutan i-check ang Cross-Server Chat.
![](https://img.wattpad.com/cover/257432187-288-k236374.jpg)
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ficção Científica(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...