Pabalik na ako Zion Territory, hindi ko hahayaan na matulad ang nangyari sa Illusion na iyon ang realidad at mabago ang magiging daan ko sa hinaharap.
Kailangan lamang ng tamang gabay at walang magiging problema.
---------------------------------------------------------
ZION'S POVPagkalabas ko sa kweba na gumugol ng ika-dalawamput-isang araw sa totoong mundo, sinalubong agad ako ni Expeditus at ang ilan kong sundalo. Nalaman ko na lamang na magkaiba pala ang takbo ng oras doon kesa sa New World, mas mabilis ang sa Illusion World kesa sa labas.
Ngunit ang mga ito ay hindi na mahalaga, ang mahalagang kailangan kong ayusin ay ang mga bagong mukha na ngayon ay pinipilit na sumama sa akin.
Tinitigan ko ang mga ito, sila 'yung mga challenger sa Legacy Land, maliban kay Commoner Wyatt Agares na tinanggap ko na at inangkin sa mismong teritoryo ko noong nasa loob pa lamang kami ng kweba, ang mga nasa harap ko ngayon ay ang mga natirang challenger na nais sumama sa akin at ibang natatakot lamang na maiwanan.
"Hindi ko kayo pinipilit sumama sa akin, ang nais mag-solo o sumali sa ibang Lord ay maaari itong gawin. Desisyon niyo kung saan kayo sasama o magpapakita ng loyalty." Sabi ko, may mga ibang nagdalawang isip at piniling hindi sumama at iba naman na talagang nanindigan sa huling utos ng Dragon Lord bago ito lumisan.
Wala akong choice kundi tanggapin ang mga ito, isa pa baka may mapiga rin akong potensyal sa mga ito at makatulong pa sila sa aking progresibong teritoryo.
Tahimik lamang si Wyatt Agares na pinagmamasdan ang bawat galaw nila Expeditus, siyempre ganon din sila Expeditus pagdating sa kanya.
"Pumasok lamang ng saglit ang aming Chief Zion sa loob kweba at ngayon ay babalik na may kasama ng iba." Sinusuri ni Expeditus ang lalaki sa harap niya.
"General Expeditus ito si Commoner Wyatt Agares, ang magiging General na magdadaan ng Zion's territory sa pakikipagkalakalan at pakikipagdigmaan natin sa karagatan." Pagpapakilala ko, halata namang nagulat si Expeditus na ang lalaking kaharap niya ngayon ang magiging General ng Zion's Naval Force at ang mukhang pagod at malamyang ito ay si Commoner Wyatt Agares?
Ayaw pang maniwala ni Expeditus kaya hindi ko na siya pinansin, nag-utos ako sa mga sundalo na humanap ng tao na pwedeng umalalay kay Commoner Wyatt Agares upang maging presentable naman siyang tingnan.
500 years na rin ang lumipas nang ma-stuck siya sa loob ng kweba na iyon, ang kanyang buhok ay humaba na at ang kanyang balbas ay sing-haba na nang kay Santa Claus.
Noong unang beses ko rin siyang makita hindi ako makapaniwala, ngunit sigurado akong merong mas malalim na dahilan bakit niya gustong kuhanin ang Bloodline Pill.
Bilang pag-test sa mga ito, sa mga bagong sali sa aming Zion's territory, hindi muna namin pinakita sa kanila ang mga Battle, Naval at Trading Ships. Sa tagal na taon na wala sila sa realidad kung saan patuloy na nag p-progress ng mga tao o sabihin nalang nating Zion's territory lamang ang mabilis mag-advance kapag ang pag-uusapan ay technology at kagamitan sa pakikipag digmaan, kung iisipin nga wala yata ni isang kalaban ang kaya na kaming tapatan ngayon, kahit pagsama-samahin pa ang mga stronghold base at NPC's Cities ngunit hindi ako tutulad doon sa nangyari sa Illusion World,
You can't underestimate your enemy
Mamaya may mga nagtatago parang isang kasabihan na 'Crouching Tiger Hidden Dragon' (Wuo hu zhan long) [1] mabuting mag-ingat parin.
![](https://img.wattpad.com/cover/257432187-288-k236374.jpg)
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Fantascienza(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...