CHAPTER 2: Distributing Jobs

568 56 1
                                    

ZION/PRINCE CASPIAN'S POV

Binibigay ko ang trabaho ng bawat isa sa trabahong nababagay sa kanila...

Name: Homer [B-]
Specialty: Agriculturist

Name: Gomez [B-]
Specialty: Industrialist, Builder

Name: Sonia [S]
Specialty: Managing, Recruiting, Crafting,
Bonus: Good at Hunting

"Homer, mamaya bibili ako ng seeds para sa pag tatanim. Sa iyo mapupunta ang trabaho na iyon. Unti pa lang ang iyong gagawin na trabaho kaya tutulungan ka muna ni Gomez dahil wala pa rin siyang magagawa pa sa ngayon." Utos ko kay Homer at Gomez.

Dahil wala pang nakukuha sa tanim at raw materials siyempre wala pa akong mapapala kay Gomez.

"Sonia. Uutusan kita. Mamaya kailangan mong sumama sa'kin at kalaunan ay hihiwalay rin sa akin. Libutin mo ang paligid ng nasasakop kong teritoryo. Ikaw ang nag-iisang may kakayahan ng hunting sa atin kaya kailangan kitang asahan na mangkuha ng mga wild deers, pigs at impormasyon na matatagpuan sa baba ng bundok." Sabi ko rito.

Tumango naman ang aking mga napagutusan.

May 500 pa akong Honor. Wala akong ideya gaano kamahal ang mga seeds.

Sinama ko si Sonia sa Public Market na matatagpuan sa [NEW WORLD]

Duon ay sobrang daming Adventurer ang kumakain at nag ke-kwentuhan.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa Shop.

Marami silang tinda rito.

Magmula sa potion, seeds, foods, drinks, bait, at halos lahat ng maisip mong kakailanganin mo, pati ang mga special skills at blueprints sa laro ay ibinebenta ngunit medyo may kamahalan ito.

[Shop]
• [Spring] •
Lettuce Seeds - 1 Bag - 5 Honor
Cucumber Seeds - 1 Bag - 5 Honor
Radish - 1 Bag - 5 Honor
Beets - 1 bag - 5 Honor
Potatoes - 1 Bag - 5 Honor
Cauliflower - 1 Bag - 5 Honor
Cabbage - 1 Bag - 5 Honor
Carrots - 1 Bag - 5 Honor
Leeks - 1 Bag - 5 Honor
Morels (Mushroom) - 1 Bag - 5 Honor
Rhubarb - 1 Bag - 5 Honor
Strawberries - 1 Bag - 5 Honor
Tomatoes - 1 Bag - 5 Honor
Peppers - 1 Bag - 5 Honor
Broccoli - 1 Bag - 5 Honor
Honeydew - 1 Bag - 5 Honor

Bumili ako nang tatlong bag bawat isa kaya ang 500 Honor ko ay nabawasan ng 240 Honor. (BAG - SUPOT)

Nang mabili ang mga seeds at kung ano-ano pa ay nag libot pa ako hanggang makaabot ako sa mga iba pang tinda sa [Public Market]

20 Honor para sa Wooden Fishing Rod dahil 'yung sumunod ay 50 Honor na ang presyo.

Binili ko ito dahil sa malapit kami sa karagatan suguradong may isda ruon.

May blueprint din kaming binili at ito ay para sa Weapons: Stone Spears, Stone Sword at Wooden Shield.

Nag kakahalaga ito ng 30 Honor. Ang 500 Honor ko ay nabawasan na nang 290.

210 Honors na lamang ang natira sa wallet ko. Umuwi akong pinagmamasdan ang mga iba pang magandang bilihin sa Public Market.

Pag punta ko sa teritoryo ko nakita kong naghihintay na si Homer at Gomez.

"Master Zion." Tumango si Homer at Gomez sa akin.

"Huwag niyo na ako tawagin Master." Ngumiti ako at niyaya sila papasok sa loob ng teritoryo.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon