ZION'S POV
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani pag-uwi namin sa teritoryo, nang makita nila ang dugo sa aming mga katawan at kakulangan sa bilang ng sundalo.
Nagmistulang tikom ang kanilang mga bibig. Walang nagtanong.
Tahimik lamang akong naglakad papunta sa Manor. Nadatnan ko pa si Pain at wala siyang ngiti sa kanyang mga labi.
Ngunit hindi niya inabalang tanungin ang mga nangyari.
Pinatawag ko si Sonia at sinabi lamang dito na huwag munang magpapasok ng mga Players na pupunta sa Floating City sa loob ng isang buong linggo.
Isang buong pagluluksa para sa mga yumaong sundalo na tumulong makipagbakbakan sa kalaban.
Tumango lamang si Sonia ngunit nanatiling nakatitig ito sa akin.
"Hindi mo naging kasalanan ang nangyari, Sonia. Ngunit kung pipilitin mong ikaw talaga ay may kasalanan, ibuhos mo na lang ang nararamdaman mo sa pagpupursige pang lumakas. Hindi natin mababawi ang buhay ng mga kaibigan at apamilya natin, ngunit patuloy pa rin iikot ang mundo, patuloy pa rin ang ating buhay." Paliwanag ko sa kanya.
Hindi na ako nag abalang i-comfort siya at nagpa-busy nalang sa mga trabahong kailangan kong gawin.
Kumatok sa pinto si Homer na aking pinapasok.
"Naghanda po kami ng pagkain at inumin. Hinihintay na lang po namin kayo." Tumango ako at sinamahan siya.
Sa 3rd Perimeter kami naghanda ng makakain dahil na rin sa halos lahat ng mga Adventurer at NPC's ay doon nakatira.
Tahimik kaming nagsalo-salo ng pagkain, masarap at mabango man ang nakahandang pagkain sa aming harapan ngunit 'tila wala kaming panlasa.
Pagkatapos kumain dala-dala na namin ang inumin na alak, kung saan ang mga may pamilya sa sundalo ay nagsimula ng magmugtuan ang mga mata. Ang kanilang luha na pilit pinipigilan ay tumulo na lang ng biglaan.
Lumapit sila sa akin isa-isa.
"Chief Zion, ang pagkamatay ng aking anak ay kahit kailan hindi ko isisisi sa inyo. Anak ko ang mismo ang umiidolo sa inyo, ang sumusunod sa yapak ninyo. Gusto ko lang po ay iganti niyo ang aking anak. Hindi po kayo nag kulang Chief Zion." Palahaw ng isang inang nagmamahal sa kanyang anak na yumao.
Sunod-sunod ang mga NPC's na nagkaroon nang lakas ng loob, nang boses para sabihin talaga ang nilalaman ng kanilang puso.
Binoses nila ang sakit, ang hindi patas na pangyayari para sa kanila at ang kawalan ng mahal nila sa kanilang buhay.
Habang pinapakinggan ko sila ay ang patuloy na pagbigat ng aking puso.
Kahit pa sabihin nilang hindi daw ako nagkulang, ngunit pakiramdam ko, ako mismo ang kumuha ng buhay ng mga sundalong hindi pinalad makauwi.
Tumayo ako sa kanilang harapan.
"Sisikapin kong gawin ang lahat ng aking makakaya. Hindi ko mapapangako na wala nang mawawalang buhay dahil hindi ako ang Diyos ngunit sisiguraduhin kong uunti lamang ang taong mawawala. Mas papalakasin pa natin ang Zion's Territory, para ang ating mga kalaban na mismo ang magdalawang isip kalabanin tayo."
---------------------------------------------------------
Nag bukas ako ng Avatar dahil para magpalakas ito ang dapat unang hakbang.

BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...