ZION'S POV
[12:00 AM]
Agarang naging puti ang lupa at lumamig ang buong paligid.
Agad silang nag sindi ng lampara sa labas at loob ng kanilang mga bahay.
Dahil gising pa ang bawat isa nag handa kami ng madaliang pyesta para gunitain ang pagiging ligtas sa labanang naganap kanina lamang sa Autumn Boss.
Sa loob ng pangatlong wall kami nag handa, binuksan ang malaking gate sa pangalawang wall at pinapunta ang mga Adventurer at NPC's sa iisang lugar.
Ang Department of Agriculture ang nag presenta mag luto sa isang dambuhalang lutuan. Habang ang mga Department of Worker naman ang mag hahanda ng kagamitan.
Dahil sa init ng lutuan at dahil sa malaking apoy, nakatulong ito saaming pag papainit.
Sa dami ng hayop na napatay sa digmaan kanina lamang, ay nagawa naming pakainin lahat ng NPC's at mga Adventurers.
Masaya kaming nag salo-salo. Ang mga Wolfs ay pinakain namin ng sariwang laman.
Nag pasindi ako ng kandila sa ilang NPC's na tapos nang kumain, sinindihan ang Shrine sa gitna ng teritory para pag papasalamat sa Sea Goddess na nag protekta sa amin sa Autumn Boss.
Nang matapos na akong kumain ay isang balita ang natanggap ko.
"Hmm?" Tumango lamang si Expeditus. Tumayo ako at nag paalam sa ilang Adventurer at NPC's na kausap ko at sinundan si Expeditus sa pinakamalaking gate namin.
"Chief Zion, samahan po ito ng mga NPC's na hindi nagawang iligtas o protektahan ng kanilang Lord. Sila ang mga piling nag layas sa kanilang teritoryo at sila'y nag babakasaling tanggapin at gamitin sa nais ninyo." Paliwanag ni Expeditus at sinuri ko ang isang libong mga NPC's na galing sa iba't ibang teritoryong bumagsak.
Tumango ako at pag katapos silang suriin sa kanilang Specialty ay tinanggap sila. Pili lamang ang mga nakitaan ko ng potensyal.
Isa pa kapag tumanggap ako ng tumanggap ng mga NPC's sa ibang teritoryo ay mangyayaring tutulad ang ibang NPC's at mapa away pa ako sa ibang LORDS.
Ngunit dahil mangyayari rin naman 'yun sa hinaharap ano pang kinakatakutan ko. Sa oras na tinanggap ko ang mga NPC's ng isang teritoryo para ko na ring sinabi na...
"Handa akong tanggapin ang labanang ito."
Dahil marami ang pag kain, nagawa pa rin nilang humabol sa handaan at panibagong kasiyahan na naman ang nangyari.
Isang dambuhalang Dragon ang lumilipad sa direksyon namin.
"Nag kakaron kayo ng kasiyahan at hindi niyo man lang ako inimbitahan? Nasaan ang pagkain ko?" Tanong ng Dragon.
"Sa'yo na 'yung dambuhalang octupus. Pakabusog ka." Tumayo na ako at ginamit ang isa pang daanan para makapunta sa pinakaloob na teritoryo. Nag punta ako sa aking Manor at humiga sa kama na naroroon.
Kapag malamig, masarap mag pahinga, matulog!
Sa bintana ng aking kwarto ay isang dambuhalang apoy ang masasaksihan sa malayo, sinunog siguro ng dragon ang octupus at ginawang fried octopus.
Pag kahiga ko, tumalikod ako sa bintana at pumikit.
***
AELOXIOUS POV
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Научная фантастика(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...