ZION'S POV
Bagamat nagulat sa bagong event na matagal pa mangyayari. Hindi masamang maghanda para rito.
Lumabas kaming mga Heneral ko sa labas ng aming teritoryo para tingnan ang bagong mapa ng New World ngayong ipinag-isang mapa na ang bawat Zone, kung saan marami ring manlalaro na katulad ko, may iba't ibang lakas at talentong itinatago.
Ang teritoryo pa rin namin ay matatagpuan at nakatirik pa rin sa may South Eastern Map, malapit sa bundok at karagatan. Siguro ang nagbago lamang ay mas malaki na ang bundok at malawak, sigurado rin ako na sa kabila nun ay may kapitbahay na kaming teritoryo.
Kumunot ang noo ko sa maaaring mangyari sa hinaharap. Dahil may katabi ang bawat teritoryo na ibang Lord, hindi malayong matulad na mag-away-away sa lupa ang mga ito.
Mukhang pati ako ay hindi makakaligtas sa ganitong pangyayari, mas maganda lamang na bago pa humantong ang lahat sa ganon, magkaroon na ako ng lakas na durugin ang kalaban ko.
Ngayong wala ng South Eastern Stronghold at pagmamay-ari ko na ang NPC City, kailangan ko na lamang buklod-buklorin ang mga Lords at sakupin sila ng sama-sama o sunod-sunod. Kahit pa magtulong-tulungan sila, wala pa rin silang magagawa sa huli.
"Hmm. Magpatawag ulit ng pagpupulong sa lahat ng Secretaries at Generals ng Zion's Territory." Tumango naman sila Sonia at tatlong Heneral ko.
Pumasok na ako muli sa teritoryo at tiningnan ang susunod na upgrade.
Upgrade to EXPERT KINGDOM 1?
Requirements:
• 7,000,000 Honor
• POPULATION LIMIT 5,000,000/5,000,000
• A Special Type of ArmyNakumpleto ko na agad, walang problema sa Honor, Population Limit at lalo na sa Special Type of Army dahil sa Devil Armies.
[Requirements are met]
[Upgrade] or [Ignore]Pinindot ko ang [Upgrade] at pagkatapos noon ay lumabas na naman ang isang notif.
Since you upgraded your CITY into EXPERT KINGDOM 1 you are rewarded by the System to build this for you.
[Underground City LVL. 5]
Dahil Max Level na ang aking Floating City hindi na ito nag-abalang ipaalala sa akin ng System.
System Notif:
[Do you want to announce your name and your territory in Cross Server Chat? You are rewarded 5,000,000 Honor][Yes] or [No]
Pinili ko ulit ang [Yes].
[Cross Server Notif:]
Announcing *Lord Zion* from *Zion's territory* as the first [Lord] to upgrade his/her town into a EXPERT KINGDOM 1]+ Congratulations from Lord Aeloxious
+2 Congratulations from Adventurer Xu Ji
+5 Congratulations from...
So on and so forth...Dala ng pagka-curios, sinuri ko ang upgrade na para sa Expert Empire 3 at halos magulantang ako sa nakita, mahirap na talaga umangat o mag-upgrade kapag malakas ka na ngunit ang maganda rin dito, imposibleng mareplika nila ang lakas ko, wala rin makakapantay sa akin ngunit huwag dapat pakampante.
Upgrade to EXPERT EMPIRE 3?
Requirements:
• 10,000,000 Honor
• POPULATION LIMIT 7,000,000/7,000,000
• Conquered 1 of the 4 Cardinal Lands in New World (North, East, West, South)Makakapag-upgrade ka lang siguro talaga nito kapag nakumpleto o natalo mo na rin ang Winter Season - Winter Boss. Pagkatapos nun diretso Lords Ranking na agad at Divine Might of Kings.
![](https://img.wattpad.com/cover/257432187-288-k236374.jpg)
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Bilim Kurgu(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...