PRINCE CASPIAN'S POV
"Nandito na raw ang Bride." Narinig ko sa mga bisita.
Ang maingay na simbahan ay 'tila tumahimik, wala akong marinig kundi ang nakakabinging tibok ng puso ko. Isang babae ang bumungad at naglalakad patungo sa direksyon ko.
Ang kanyang mukha ay may bahid ng kolorete at nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Akay-akay siya ng haligi nang kanilang tahanan.
Habang nakatitig sa babae ay kasabay rin nun ang unti-unting pagkaramdam ko na tila pati mundo at ang oras ay tumigil, bumagal para lamang titigan siya.
Wala sa sariling tinuloy ang kasal, namalayan ko na lang na may hawak na akong sing-sing.
Hinawakan ko ang maputi at makinis niyang kaliwang kamay, sa pang apat na daliri ay dahan-dahan ko itong sinuotan ng simbolo ng pagmamahalan.
"In the name of God, I, Prince Caspian Amory, take you, Athena Morelle, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow."
"In the name of God, I, Athena Morelle, take you, Prince Caspian Amory, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow."
"You may kiss the Bride." Itinaas ko ang nakaharang na tela sa kanyang mukha at hinawakan ang pisngi nito habang ang isang kamay ay hinawakan siya sa tagiliran para hatakin siya papalapit sa akin.
Isang dampi lamang dapat ang aking gagawin ngunit ng maramdaman ang lambot ng labi ng kabila ay nilaliman ko ito at pumikit. Ang tanging nag patigil lamang ay ang nakakasilaw na flash ng camera.
Humiwalay akong may pag hihinayang at hinarap ang mga bisita. Hindi ko tinanggal ang pag kakahawak sa tagiliran ni Athena at mas hinatak pa siya papalapit sa akin.
Picture rito, picture ruon.
Mabilis itong natapos at dumiretso kami sa isang lugar na pag gaganapan ng reception. Isang mamahaling hotel na pagmamayari ko.
Habang nakikipagkwentuhan, kamustahan sa mga bisita ay panay din ang buntong hininga ni Athena.
"Masakit na ba paa mo kakatayo?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa maamo niyang mukha na may butil ng pawis.
"Yeah. What do you expect? I've been standing for almost 6 hours. I don't even know the visitors but I need to put a good and gentle smile to them." Ngumiti ang babae na animo'y hindi siya nag rereklamo kundi nag k-kwento lamang.
"Hmm. I'm becoming bored too, come!" Pag kasabi ko non ay nauna na akong mag lakad at kahit hindi ko siya tingnan sigurado akong sumusunod siya.
Sige mag paiwan siya at hindi matatapos ang pakikipag kamustahan niya sa hindi matapos tapos na bisitang paparating.
Kada minuto may papasok sa entrance nitong hall.
"Dad, Mom, Kuya, Tita. I'll bring Athena in a room upstairs." Paalam ko sa kanya.
Tumango si Kuya Alexander. Lumapit naman si Ate Alina para bigyan ng panyo si Athena. Agad itong ginamit ni Athena pamunas sa pawis niya.
"Okay. You two enjoy Dear. Take your time. I can explain to the visitors." Sabi ni Mama.
"Wala paring pahinga yata si Athena kanina hanggang ngayon. Papadalhan kita ng pamalit mamaya." Sabi ng Mama ni Kuya Alexander.
Tumango naman si Athena at nauna na kami sa kwarto. Isang butler ang nag punta sa harap ko at may inabot na Box.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...