CHAPTER 13: Slapping Players In The Face Without Hurting My Palm (1)

409 53 2
                                    

3RD PERSON'S POV

Habang puro kaswertehan ang nangyayari sa ating bida iyon namang kabaliktaran ang nangyayari sa ibang Lord na naabandona ng kanilang NPC's.

Naging malaking sira ito sa kanila bilang Lord. Dahil na rin sa mga umalis na NPC's nabawasan ang mga Lord na ito ng -1 sa trust.

Mukha lamang itong basic remarks. Ngunit para sa mga NPC's ang Trust ng NPC's sa kanyang Lord ay malaking bahagi sa pagkatao nila.

Sinasabing kapag ang level ng trust ng isang NPC sa kanyang Lord ay tumaas ng tumaas magkakaroon ito ng Legendary Scene, kung baga kung naglalaro ka ng Chess kapag ang isang pawn ay nakatungtong sa dulo ng eigth rank maaari kang pumili ng Bishop, Knight, Rook, o kaya Queen sa kaparehas na kulay [1]

Siyempre wala pang nangyayari sa larong ganito dahil maliban sa nagsisimula pa lang ang palakasan sa laro, nangyayari lamang ito sa Kingdom o Empire na teritoryo. Sa madaling salita myth pa lamang ito.

Balik sa mga Lords, umunti ang kanilang pang araw-araw na recruitment ng NPC's. Ikaw ba naman sa mismong labanan 'yung nangakong p-protektahan ka sa dulo ay sa huling 'siyang' ipinain at isinakrapisyo ka.

Dahil na rin sa [Exchange Currency] hindi lamang Honor ang pwede mong mabili sa totoong pera pati ang mga NPC's na iba-ibang Rank.

Mas magandang NPC's mas mahal at mahirap mabili. Dahil sa in-demand ito, siyempre auction ang bayaran dito. Ngunit kahit ganon pag mayaman ka, mayaman ka! Sobrang daming naglalaban sa mimistulang Rank A na NPC's at mabibilang lang ang mga Rank S NPC's.

Para sa mga Lords na naabandona ng NPC's, mas mabisa muna ang mga NPC's sa auction kesa sa matagal na oras na kailangan sa Recruitments sa manor nila.

Maliban pa rito napipili mo na agad ang bibilhin mong NPC's kesa ruon sa manor recruitment na maswerte na kapag may isang Rank S na NPC.

Hindi rin nalimutan ng mga Lords na utusan ang iilan na lamang na natira sa kanilang teritoryo na NPC's

Sa dami ng Lords isang utos ang ipinarating.

"Hanapin kung sinong Lord ang tumanggap ng aking NPC's"

Isang nakakatakot na ngisi ang bumalot sa paligid ng bawat isang Lord, galit ang namumuo sa kanilang puso.

Lumipas ang ilang araw, nagbalik ang utos at may dala dalang kasagutan.

"Southeast Map - Unknown Lord - Unknown Power"

---------------------------------------------------------
ZION'S POV

"Chief Zion! Chief Zion!"

Natigil ang pagbibihis ko ng may tumawag ng aking pangalan sa labas ng aking kwarto.

"Hmm?" Ang tanging sagot ko.

"Ilang spy po ang pabalik-balik sa ating teritoryo at nagtatanong ng impormasyon tungkol sa inyo." Muli kong itinuloy ang aking pag bibihis at tumindig ng tayo.

"Thanks for reporting." Tumungo ako sa pinto at binuksan ito.

Nanduon pa rin ang NPC na nagsabi sa akin ng balita, ngumiti ito at umalis na.

Masasabi mo na ang NPC na iyon ay natural na maganda, nakadamit lamang ito ng mahabang puting bistida at mukhang anghel ngunit sa likod ng maamo niyang mukha, siya ang aming natatanging spy.

Name: Love (A+)
Specialty: Crafting and Spy

Nagkadamit siya ng pangsibilyan at nakikisama sa ibang NPC's na parang isang normal na tao, kung tutuusin tuwing nakikita ko siya ay nakikipag tsismisan siya sa mga kaibigan niya...

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon