CHAPTER 22: Spreading Influence

461 48 3
                                    

"NO ONE IS YOU AND THAT IS YOUR POWER" - Dave Grohl

PRINCE CASPIAN'S | ZION'S POV

"[LINK START]" Isang tahimik na umaga ang bumungad sa'kin sa laro, kung tutuusin naging payapa pa rin ang teritoryo kong naiwan kahit nawala ako ng tatlong araw.

"Chief Zion, na-miss po kita." Natawa ako dahil si Gomez pala ito.

"Hahaha. Sige, sige ipatawag sila Victus, Expeditus, at Sonia." Utos ko na agad namang ginawa ni Gomez.

"Pinapatawag niyo raw po kami, Chief Zion." Yumuko ang dalawang heneral.

"Anong nangyari sa araw na wala ako? Kamusta ang ipinapautos ko?" Tanong ko sa kanila.

"Chief Zion, bagong dating lang po ng mapa ni Mister Glitch kanina, responde na lang po ang kailangan." Tumango ako.

Ibinigay nito sa akin ang mapa na agaran kong sinuri.

"Sonia may iba akong ipauutos sa iyo." Pagkatapos non sinabi ko na rin sa kanya ang pinauutos ko.

"Tawagin si Pain." Utos kong muli na agad namang biglang pagdating ni Pain.

"Pain tingnan mo ito. Ipapagawa ko sa iyo ang utos na ito, kasama ang Devil Armies." Tumango si Pain. Dinapuan lamang niya ito ng tingin at muling bumalik sa akin ang kanyang tingin at ngumiti.

"Maligayang pagbabalik, Master Zion! Maaasahan ako sa inyong pinapautos. Lahat ng haharang sa daanan niyo ay aking papatumbahin at dudurugin." Tumango ako.

Dumapo ang paningin ko kina Expeditus at Victus para sabihin na...

"Magpadala lamang kayo ng unting bilang ng sundalo at itago ang iba sa hindi makikita ni Glitch kapag labanan. Dito natin tetestingin ang loyalty niya sa atin, kapag kaharap na niya ang sandamakmak na salapi." Ngumisi ako.

Kung gagamitin mo ako diba? Bakit hindi rin kita maaaring gamitin?

"Masusunod, Chief Zion. Sasama na rin po kami para tingnan ang Large Stronghold ng kalaban." Tumango ako at pinaalis na sila. Naiwan naman si Pain na sinasalinan ang baso ko ng tsaa.

"Magagawa mo ba talaga Pain, ang pinauutos ko?" Tanong ko. Nag-aalala kasi ako.

Ngumiti lamang si Pain at hindi naman nainis sa pag-doubt ko sa kanya.

"Kung tutuusin Master Zion, presensya ko pa lamang ay kaya na silang mapatiklop. Bakit hindi kayo sumama sa amin at panuorin kami?" Ngumiti ito at nakampante ako dahil duon.

Tumango na lamang ako.

Nung hapon na at malapit nang mag-gabi ay naglakbay kami sa North West. Dahil nandoon ang kalaban. Isa pa nandoon pa rin si Glitch.

Habang nakasakay sa Flying Ship kitang-kita ang mga bagay na wala sa South East. Naisip kong utusan ang ilang Sundalo na buhatin ang mga nakikita namin na may kakayahang makakuha ng atensyon namin.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon