ZION'S POV
Matagal ko na itong iniipon ngunit ngayon ko lamang masusubukan.
[World Essence (121)]
• It may help you cross World Barrier for a short period of time.[Portal Blueprint - Scroll]
• This contains information on how to make a Portal Blueprint (Permanent)
- Synthesize 100 World Essence to make World Presence, opens a gateway toward Calypso World
- Synthesize 200 World Essence to make World Heavenly Body, opens a gateway toward Nirvana World
- Synthesize 300 World Essence to make World Soul, opens a gateway toward Primordial WorldSa ngayon meron na akong 121 World Essence, pwede ko na siyang i-synthesize ngayon at bumuo ng portal patungo sa Calypso World ngunit wala kasi akong idea ano ba talaga ang mundo roon, mukhang kailangan kong tanungin si Commoner Wyatt Agares ah.
Isinangbahala ko muna at sinuri muli ang labas ng Manor ko.
"Tuloy ang pagsakop ng New World" Bulong ko sa hangin.
Muli kong pinatawag si General Expeditus at sinabing dagdagan pa ang bilang ng mga sundalo, kung kinakailangan mag-recruit at mag-train sa lalong madaling panahon, kinakailangang gawin. Hindi dapat ako makapagsayang ng oras na ang mga kalaban ko ay mahihina pa. Kapag lalo ko pa kasing pinatagal ang lahat ng ito, hindi malayong makakahabol sa akin ang mga manlalaro.
Pinatawag ko rin sila Pain at Keir.
"Kailangan ko ng maraming bilang ng Devil Armies." Tumango lamang sila Pain at Keir sa akin habang lumapit sa akin si Alisha.
"Wala pa akong maiuutos sa iyo, depende na lamang kung marunong ka gumawa ng Devil Armies." Ang kaninang nakangiting si Alisha ay nalungkot.
"Wala kasi akong ganung skill Master Zion ngunit may kakayahan ako mag-cast ng desires ng mga tao at manlalaro na katulad mo Master Zion." Umiling ako at pinaalis na si Alisha.
Nagpaalam na si Keir habang naiwan naman si Pain na pinagsasalinan ako ngayon ng tsaa.
"Master Zion, hayaan niyo po ako magsalita patungkol sa minungkahi kanina lamang ni Alisha." Tumango ako at tumitig kay Pain.
"Bagamat walang kakayahan si Alisha na makabuo ng hukbo ng Devil Armies para sa Zion's Territory, ang talento na meron siya ay hindi katulad ng sa amin ni Keir at ng ibang Devils. Ngunit masasabi ko sa inyo na sa Top 10 Devils, 8 na roon ang napabagsak niya dahil sa pag-cast ng kanyang skill." Napantig ang pandinig ko, nang makita niya akong interesado ay napangiti ito at kwinento ang nangyari dati.
"Nung panahon na ako ay nasa Devil World pa, si Alisha ay isa sa mga matagal ng Devil na nakaupo sa Top 10 Rankings, ilang posisyon na ang nabakante at napalitan ngunit nanatili siya sa taas. Nagpapakita rito na ang katulad ni Alisha ay hindi dapat minamaliit. Napapaikot niya ang ilan sa Top 10 Devils na wala namang nararamdamang emosyon o pagnanasa, ano pa kaya ang mga manlalaro at kalaban ninyo na may emosyon at kakayahang mag-isip?" Tumango ako. Nagsimula na siya mag-ayos at tumungo na sa pinto ng tanungin ko siya at pumigil sa pag-alis niya.
"Nabanggit mo na sa Top 10 Rankings ay 8 doon ay napaikot niya, maliban sa sarili niya mismo sino roon ang isa?" Tanong ko. Muling humarap sa akin si Pain.
"Walang iba kundi ang Embodiment of Pride, Master. Bagamat isa lamang din akong Devil na may kakayahang mag-isip at magkaroon ng damdamin, alam ko sa sarili ko na ang bagay na ginugusto ko, ay dapat pinaghihirapan ko munang makuha bago maangkin." Sabi nito sa akin at umalis na.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...