CHAPTER 32: NPC's Cities (3)

407 54 8
                                    

Tumagal kami ng apat na araw sa karagatan at sa pagsapit ng ikalimang araw nasasaksihan ko na ang kalupaan.

"Commoner Wyatt Agares, magiging akin ka rin!" - Zion

---------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:

[Ang inyong mababasa sa ibaba ay ang Side Story (1) pero sinama ko pa rin siya sa Collection ko ng Chapter sa buong story. Ang side story na ito ay para sa mga bumubuo ng Zion's Territory, bilang tagasulat siyempre napapansin ko gaano kaimportante sa ating bida ang kanyang mga tagasuporta, katrabaho, at parang pamilya na rin sa laro P.S. dahil ganon ko siya ginawaXD

Note: Nakasulat talaga ang chapter na ito sa 3rd Person's POV ngunit lalagyan ko ng ganito (**) para malaman niyo na panibago na naman siyang POV okay hehe. Halimbawa **Si Wayne ay... ///tapos tatapusin ko rin sa/// ...siya ang secretary at ang may kinalaman sa agrikultura ng buong teritoryo** huhuhu parang mas lalong gumulo lol]

---------------------------------------------------------
Zion's Subordinate POV

Pagkabili ni Homer ng mga kailangang seeds para sa season ng spring ay ibinigay niya ang desisyon kay Wayne dahil siya pa rin ang Secretary ng Agriculture ng Zion's Territory.

**Masaya pa rin ako na ako ang naatasan ni Chief Zion na bumili ng seeds at ang tumingin sa special shop dahil sa tuwing sinasabi ko na walang tinda roon ay nagbibigay ng ekspresyon si Chief Zion ng kalungkutan, ipinagbubuti ko ang pagdalaw roon at nag-iwan pa ako ng dalawang tao na magpapalitan ng shift para mabuo ang 24 hours a day. Baka kasi may lumabas na palang importanteng bibilhin tapos naunahan ako ng ibang [Adventurer] o [Lord].

Hindi pwede 'yan, mukha lang pa easy-easy kaming mga tauhan ni Chief Zion pero na-iinggit kami kay Gomez dahil madalas siyang kausap ni Chief Zion, kahit pa utos-utusan siya, iba pa rin kapag nakakatulog ka sa teritoryo mo.

Ilang araw ang lumipas na parating ganun ang ginagawa ko, nagtitingin sa mga bagong tanim sa teritoryo, tinatanggal ang mga lantang halaman dahil maaaring makahawa ito sa ibang masigla naman.

Parang sa mga tao lamang din 'yan, kapag nagpasama ka ng isang tao na may lagnat sa grupo ng mga masisiglang tao, obserbahan mo at sa susunod na araw maaaring magkasakit ang mga masisiglang tao.

Siyempre ganun din sa halaman.

Lumapit ang isa sa sundalo na natira sa Zion's Territory.

"Manager Homer, pinapatawag po kayo ng isang Zion's Citizen sa Shop, lumabas na raw po ang pinapabantay niyo sa kanya." Agad kong iniwan ang gawain at pumunta sa shop.

Nandoon ay nakapaskil na ang mga bilihin na binili ko rin agad, buti naman hindi nagmahal ang mga nandito sa shop at sakto lang sa binigay na Honor ni Chief Zion.

Nagpaiwan akong muli ng tao na magbabantay sa shop na 'yun, hindi ko rin kasi alam kapag may maglalabas na naman ng bilihin.

Tinago ko muna ang binili ko at ibibigay ko ito ng personal kay Chief Zion kapag nakabalik na siya.

Sa ngayon bilang Agriculturist sa teritoryo namin, i-m-manage ko muna ang Agrikultura, kahit naman mas mababa ang rating ko kay senior Wayne hindi ibig sabihin non hindi na ako makakatulong.

---------------------------------------------------------
Sa kabilang parte ng New World, sa North West ng mapa, muling pinuntahan ni Victus ang lugar kung saan nakatirik ang Yin and Yang Twin Agri-Goddess na Shrine.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon