3RD PERSON'S POV
In an isolated room lies only the best of the best geologist every country can offer, they were holding a very important meeting with the Presidents of every Country...
"Ang kinakatakutan nating mangyari sa hinaharap ay hindi namin aakalain nalalapit na." Iyon agad ang mga salitang binitiwan ng isang kilalang magaling na geologist.
Walang nagsalita ni isang Presidente, alam nila gaano kabigat ang balitang ito ngunit kailangan nilang maging kalmado at alamin muna ang pangyayari.
"Hindi nalalayong ang Earth Core ay malapit ng masira. Kapag nangyari iyon hindi tayo mabubuhay sa peligrong mangyayari." [1] Patuloy ng geologist.
Nagsalita ang Presidente ng USA "May magagawa ba kayo para maisalba ang Earth's Core?" Ngunit isang iling ang sagot ng geologist.
Sandamakmak na experiments, test, trial and error ngunit ang mga nalabas na resulta ay laging failed.
"Kung gayon mukhang tama nga ang mga hula, prophecy at kaalaman na tinuro ng mga bituin." [2] Sabi ng isang Presidente.
Yumuko naman ang mga Presidente at pinag-isipan ang susunod na hakbang na kanilang gagawin.
"Maiba lamang hindi ako siguro kung makakatulong ito, ngunit may naikwento sa akin ang aking kaibigan. Isa siyang Scientist at expert sa outer space." [3] Muling nabuhayan ang mga Presidente.
Agad naman kumilos ang geologist na iyon at commonect sa isang video call sa sinasabing kaibigan. Agad bumungad ang kaibigan na may hawak-hawak na tinapay at kape sa dalawang kamay.
Nanlaki ang mata nito at bigla na lamang naupo at itinabi ang mga pagkain at inumin niya.
"Ehem, bakit mo ako tinawagan Connor?" Tanong nung Scientist kay Connor.
"Peter ipaliwanag mo na ang mga nakita mo habang nag t-trabaho ka." Sabi ni Connor.
Huminga ng malalim si Peter sa sinabi ni Connor, hindi nito akalain na ibubuking siya nito at sa harap pa talaga ng ibang presidente, paano kapag mali siya at ikamatay niya ito.
"Ang totoo kasi may isang pangyayari akong nakita habang nagtatrabaho, noong una ay may isang hindi pangkaraniwang bilog ang kumain ng isang planeta at agaran ding nawala, hindi pa dapat ito big deal ngunit sa hindi malamang dahilan, ang layo nitong ilang light-years ay unti-unti ng lumalapit sa mga katabing planeta natin." Nag pin ito ng ilang video na kuha nga sa SSS o Somniator Space Association.
Ang ilang pakita nito ay ang nangangain nga ng planeta at nawawala rin ngunit sa magkaibang oras at panahon ay babalik ito at mas malaki na kumpara sa unang kita rito. Ang huling litrato ay nakapasok na ito sa Solar System natin.
Hindi na bago ang nakita ng Presidente dahil nga sa nagkaroon na ng meeting doon ngunit para sa iba pang geologist maliban kay Connor ay gulat na gulat sila. Nagulantang lamang ang lahat dahil ang ilang light-year nito ay naabot lamang ng ilang araw ng hindi pangkaraniwang bilog na iyon.
"Hindi namin alam anong nangyayari sa planeta kapag kinakain na nito ang planeta na iyon. Kaya nagpadala kami ng isang advance camera na maaaring mag travel ng malayo sa outer space at meron itong sensor sa hindi inaasahang pagkakataon nakatagpo nito ang unidentified object na lagi naming binabantayan, ilang minuto ang tinagal nito bago naisipan na kainin ang camera namin.
Nuong akala namin na nasira na ito pagkatapos mawala ang GPS nito ay nakapag send pa ito ng litrato at tuluyan ng nawala sa computer namin." Nag-pin ulit ng litrato si Peter at ito na ang latest na picture.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
