CHAPTER 6: Change in the game (2)

522 63 3
                                        

ZION'S POV

"Chief Zion. Ito na po ang mga manok at ang mga baka. Idi-diretso na po namin ang manok sa coop at ang mga baka sa big barn." Tumango ako.

Dumiretso ako sa Manor's Hall. Kung saan nalalagi ang recruitment ng mga NPC's, mga 100 na sila rito at siyempre inisa-isa ko ang pag tingin ng status nila.

Dalawa lamang ang tumatak at nag bigay ng malaking halaga sa kanila

Name: Ylona (SSS)
Specialty: Commerce
Bonus: Trading, buying and selling goods, economist

Name: Met (SS)
Specialty: Blacksmith
Bonus: Attracts Metal, gives additional stats to his work

Mukhang may ilalagay na ako sa Department of Commerce ah.

Ngumiti ako at pag katapos itong tanggapin, nilagay ko agad si Ylona sa Secretary position sa Department of Commerce ng Zion's Territory.

"Chief Zion, hindi ko po kayo bibiguin. Maraming Salamat po sa tiwala." Tumango lamang ako at ngumiti kay Ylona.

"Trabaho mo ay ikaw ang mag hahawak ng buong ekonomiya sa teritoryo. Papalaguin mo ito sa paraang alam mo. Pwede kang pumunta sa Zion's Treasury o kaya naman kausapin mo si Expeditus o si Sonia tungkol sa nasasakupan natin, pwede ka rin mag bahagi ng opinyon at suhesyon na maaaring makatulong sa buong teritoryo." Tumango si Ylona at ngiting-ngiting sinunod ang aking ginawa.

Dahil ibinigay ko ang trabaho na nakaatas talaga sa akin nung nakaraan dahil meron na kaming Commerce ang Specialty ngayon wala na akong gagawin.

Uupo na sana ako sa upuan sa Manor nang lumapit si Wayne.

"Chief Zion, may problema po." Napatingin ako sa kanya...

"Kumikilos na po 'yung malaking balyena sa karagatan." Napalabas ako at nag punta sa dock, duon ay nakita ko ang mga NPC's na nakahiga at masasabi mong nalunod.

Agad silang tinulungan ng Department of Health at binigyan sila ng paunang lunas at agapang atensyon.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay Wayne.

"Kumukuha lamang sila ng tubig alat para gawing sea salt ulit ng napansin daw ng mga mangingisda na nakatitig sa kanila ang dambuhalang balyena. Bigla na lang itong umikot sa kanila at gamit ang malaking buntot ay hinampas ng balyena ang direksyon ng mga mangingisda." Tumango ako.

Muli akong napatitig sa malalim na karagatan, makikita mo ang maitim na parte at ito'y malalim. Nakatitig sa amin ang malaking balyena.

Kumunot ang aking nuo, sa hindi malamang dahilan na-a-attract akong pumunta sa direksyon ng balyena.

Umiling-iling ako at pinaayos ang gulong nangyari sa Department of Worker.

Nag patawag ako ng pag pupulong para sa Department of Worker.

Hinati ko sila sa

• Builder
• Crafting
• Agriculturist
• Industrialist
• Blacksmith
• Teachers
• Nurses
• Miners

At marami pang iba, 'yung Agriculturist hinati ko pa sa tatlo, isang para sa pagtatanim, isang para sa pangingisda at isang para sa pag aalaga ng mga Livestocks.

Kung ang Secretary ay 50 Honor ang sahod, ang mga manggagawa naman ay 25 Honor. May dagdag na 2 Honor kapag nag overtime sila.

Mabilis lumipas ang panahon nakaabot kami sa kalagitnaan ng Autumn Season. Hindi ko na pinag tangkang palapitin ang Workers sa karagatan...

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon