CHAPTER 20: White Flag

409 57 3
                                    

ZION'S POV

"Sonia maghanap ka ng Large Stronghold, huwag kang lalagpas sa South East. Ilista mo lahat ng maaaring impormasyon." Utos ko dito.

Naiwan kami ng mga Generals dito kasama ang mga Sundalo sa Teritoryo para mag-ayos ng kailangang dalhin sa paglalakbay patungong Large Stronghold.

"Master Zion, aalis po kayo?" Nadatnan ko si Pain na nakangiti sa akin at pinagmamasdan ang ginagawa ng mga sundalo.

"Ah, Oo. Pain maiwan ka rito okay. Bantayan mo muna ang teritoryo natin. Sabado ngayon kaya walang mga Players na bibisita para sa Floating City.

Iiwan ko na rin sa iyo ang trabaho na mag-utos sa ilang tao (NPC's) na alagaan ang mga Flying Mounts, tsaka i-check ang mga health ng mga ito." Tumango naman si Pain.

Lumapit ang Top 1 to 3 na Flying Mounts sa akin, sinakyan ko naman ang Top 1.

"Marami akong natatanggap na reklamo sa mga Player's kapag sumasakay sila sa iyo" Ngumiti ako at hinimas ang ulo nito pagbaba ko pagkatapos ng isang ikot.

Kwackkk
Kwackkk
Kwackkk

Parang nag rereklamo sa akin ang Flying Mount at kung nagsasalita lamang siguro ang sinasabi nito "Sadyang mahihinang nilalang lamang talaga sila, Master Zion."

Ngumisi ako.

"Chief Zion, sasakay po ba kayo sa Flying Ship?" Tanong saakin ni Victus.

Umiling ako at ngumiti dito "Sasakay na lang ako rito sa makulit na ito." Tumango si Victus at inayos na ang mga Sundalo na sasakay sa Flying Ship.

"Paano ako bata? Mas maganda namang ako sakyan mo kapag may pupuntahan ka. Hindi mo ba gusto na tinitingnan ka nila ng takot at paghanga sa mata kapag dadaan ka sa harap nila." Proud na Proud na sabi ni Nox. Nox the Nocturnal Dragon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nox. Too much attention.

"No thanks, tsaka ikaw ang alas ng Zion's Territory so hindi ka sasama sa amin at magpapakita sa iba. Balik ka na sa Lungga mo, mamaya makita ka pa ng mga Adventurer Players." Utos ko sa Dragon. Sumimangot naman ang Dragon at lumipad papuntang Floating City.

Kung sakaling Monday to Friday hindi ko papapuntahin ang Dragon sa Floating City dahil makikita agad siya ng mga player pero dahil sabado ngayon at wala ang mga iyon, pwede siyang matulog doon hanggang sa siya na mismo mapagod matulog.

Umiling na lang ako at hinintay si Sonia. Hindi ko na rin makita ang presensya ni Pain siguro ginagawa na ang trabaho niya.

Ang mga Flying Mounts na busy kanina magpahinga sa Floating City ay nagsibabaan bigla sa Floating City, ang kanilang pakpak ay sobrang ingay at takot ang mababakas sa kanilang mata.

Tinakot sila ng Dragon na iyon para ma-solo niya ang Flying City.

Hays!

Tumawa lamang ang Top 1 Flying Mount na katabi ko habang pinagmamasdan ang mga kalahi niya na takot na takot. Grabe rin tong isang 'to.

Isang mabilis na tunog ng kabayo ang maririnig namin kasabay ng pagbukas ng malaking gate sa 1st Perimeter, bumungad sa amin ang mukha ni Sonia.

"Bigyan niyo ng tubig si Sonia at ang mga kasama niya." Utos ko sa ibang NPC na nagsisilbi sa amin ngayon na walang ginagawa.

Agad naman silang ginawa ang ipinapautos ko at saktong paglapit ni Sonia sa pwesto ko ay may tubig na siyang hawak-hawak.

"Kumusta, Sonia?" Bati ko.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon