CHAPTER 35: Zion's Territory

276 38 4
                                    

[Congratulations, you recieved a new subordinate]

[Name: Wyatt Agares (SSS)]
[Race: Human Commoner]
[Specialty: General (Naval Soldiers)]

---------------------------------------------------------
ZION'S POV

Hindi na namin nakasalubong ang Water Serpent kaya walang problema ang pag-uwi namin sa teritoryo, dumiretso agad kami sa Zion's Territory. Kasama si Commoner Wyatt Agares ay pinagtitinginan siya ng mga tao o mamamayan, ngayon lamang sila nakakita ng isang Commoner.

Tinawag ko rin si Sonia na naging tagapamahala ng teritoryo habang wala ako, sa kanya ko inatas ang utos na bigyan ng magandang damit at bagong full set armor na nararapat sa bagong General namin at siyempre sa mga bagong sali sa teritoryo ko.

Tumango siya at nagbigay ng utos sa kanyang kanang kamay, pagkatapos nun ay nag bigay siya sa akin ng impormasyon, kagaya na lamang ng tapos na ang pagkakagawa ng Trigon Conglomerate, nandoon na rin ang mga bagong trabahador, pagkapasok ko sa loob pa ng teritoryo, malapit sa Manor ko ay nanduon ang maraming chest na sinasabing loot nila Pain at ang ibang sundalo sa Ruins.

Naisipan ko na mamaya buksan ang lahat ng chest na iyon at ipunin muna ito sa isang tabi dahil gusto ko muna mag-alay sa mga Shrine, baka mabigyan ako ng luck ng mga ito na magkaroon ng magandang laman ang mga chest na aking bubuksan.

Sunod na pinuntahan ko ay ang natirang General sa aking teritoryo na si Victus, nalaman ko rin na nagpatayo siya ng Arena at kung sinong mananalo roon ay ang magkakaroon ng posisyon sa isa sa mga Heneral ng Zion's Territory. (Look for Chapter 32)

Pinuntahan ko ang nasabing lugar na iyon at nakakagulat dahil ang daming tao, mismo ang mga mamamayan ko ay nanunuod at sumisigaw ng kanilang mga manok o 'yung gusto mong manalo sa isang tayaan. Sa isang board kasi makikita ang rankings ng mga sundalo at ilang panalo na ang nagagawa nito, kasama rin dito ang KO na nakuha niya sa match.

Dahil na-curious ako ay napatingin ako sa mangyayaring labanan, ang susunod na labanan ay yung nasa Top 3 laban sa baguhang kalaban.

Nagsimulang magsalita ang Host, "Sa kaliwang panig ay ang Top 3 natin sa Rankings siya si Colorant meron siyang 45 wins, 12 KO at 2 draws at 3 lose, sa kanang Panig naman ay ang naghamon nag ngangalang Erastus, simulan na ang labanang ito." Nagsigawan ang mga manunuod, sinisigaw ang pangalang Colorant...

Naiintindihan ko rin naman kung bakit walang sumisigaw ng pangalang Erastus, marahil baguhan lamang ito at para sa iba, gagamitin ang popularity ni Colarant sa labanang ito, tiningnan ko si Erastus sa age nito mukha lang siyang 17-18.

Ngunit ang mga galaw nito, kalaban ang mas matandang si Colorant ay hindi mo masasabing baguhan, paano mo ba masasabi na ang taong iyan ay magaling makipaglaban? May mga tao na nag p-practice ng kanilang skills na umaabot ng ilang taon, may mga tao naman na nagpractice lang saglit at feeling ay gumaling na ngunit pagdating sa labanan sila ay natatalo. Bakit ganun? Dahil kulang sa experience! Ngunit bakit pagdating sa labanang ito makikita na mas angat si Erastus kesa kay Colorant? Ito ay dahil sa talento! Ang affinity ni Erastus sa pakikipaglaban ay masasabi mong makakaangat sa generasyon nito ngayon.

Sa huli ang nag-wagi ay si Erastus, natahimik ang mga manunuod ngunit bigla rin nag-ingay at mas malakas pa sa kaninang sigaw.

Erastus, Erastus, Erastus

Umalis na ako ngunit malaki ang pag-asa na ang batang ito ang magwagi sa mga susunod na laban pa nito, tinawag ko si Homer. Tatanungin ko kung may nakuha na siyang magandang bagay roon sa special na bentahan sa shops.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon