CHAPTER 8: Autumn Boss

436 58 5
                                    

ZION'S POV

Nabalot ng kadiliman ang buong kapaligiran. Ngunit kahit ganon maraming gising para hintayin ang mangyayari at bantayan ang buong teritoryo.

Sa likod ng mataas na pader na humaharang sa kanila patungo sa labas ay ang sigaw ng mga ligaw na kaluluwa na nanggagaling sa madilim na kapaligiran.

Kahit anong pag pikit ang gawin at ang pag subok na linawin ang pag tingin sa paligid ay walang ambag sa dilim na makikita ruon.

Kasabay ng mga tao at manlalaro na nag aabang sa mangyayari ay nakabantay rin ang System, sa kalangitan ay ang oras na hihintayin sa pag sisimula ng Autumn Boss.

Meron pang kalahating oras bago mag simula ang malawakang labanan sa Autumn Boss.

Tatlong oras ang kailangan para maprotektahan ang teritoryo, sa loob din ng oras na iyon merong tatlong round.

Ang mga batang NPC's ay nasa pinakaloob ng teritoryo. Habang ang mga babaeng NPC's ay kasama namin sa pangatlong perimeter sila kasi 'yung mag bibigay ng paunang lunas sa sundalong masusugatan sa mangyayaring atake.

Iyong 400 [Adventurer Players] ay nasa pangalawang Perimeter ngunit kahit ganon hindi sila maaaring makapunta sa pinakaloob ng aming teritoryo sa kadahilanang ni-lock ang malaking gate at dahil hindi rin naman nila alam saan 'yung isa pang daanan 'wag na silang umasa na mag tangkang mang traydor habang nalaban kami sa Autumn Boss.

Mabilis dumaan ang minuto nag pasimula na rin ako ng mabilisang pag pupulong.

"Hindi ko na papatagalin pa ang pag pupulong na ito, nais kong lahat kayo ay makabalik ng buhay, hindi mahalaga na hindi kayo kumpleto sa panlabas na kaanyuan, kailangan ko lamang ang presensya ninyo, ang mabalikan ninyo ang inyong pamilya, kaibigan, at mga taong nag hihintay sa inyo. Ang masaksihan ang pag unlad ng buong teritoryo ang mas mahalaga. Laban!" Pagkasabi ko non tinaas ko ang ginawa nila sa aking espada.

10
9
8
7
6
5
4
3
2
1

ROUND 1

Sunod-sunod na tunog ng takbo ang maririnig sa baba ng aming mataas na Wall.

Iyong abot lamang ng aming liwanag na galing sa mga nakasabit na lampara ay ang may unting aninag sa labas ng wall.

Isang hayop ang nakita namin sa baba ng wall, pilit nitong inaabot ang direksyon namin.

Si Expeditus ay sumilip sa hayop na iyon at sunod nitong inilabas ang ginawa kong pana at palaso para sa kanila. Itinama ni Expeditus ang direksyon nun sa mismong ulo nung hayop.

Nang pakawalan niya ito mamaya lamang bumagsak ang katawan ng hayop na iyon at maririnig na naman ang takbo ng hayop sa dilim. Mamaya ay dinudumog na ang aming pwesto.

Napabuntong hininga ako mabuti na lang gawa sa bato ang aming wall, muli akong napatingin sa mababangis na hayop at inisip ang maaaring mangyari kapag hindi matibay ang wall namin.

Sa Asia Server may sampung milyong [Lord]. Kanina pa nag first blood, ibig sabihin non may bumagsak nang teritoryo at hindi nito kinaya ang pag depensa sa teritoryo nito.

After 6 hours pwede na ulit mag laro ang Lord na iyon ngunit ang babalikan niya ay ang mga namatay at sugatan na NPC's haharapin din nito ang galit ng mga NPC's dahil hindi sila naprotektahan at nagabayan ng tama kung paano ba ginagawa ng Lord ang nararapat niyang trabaho.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon