ZION'S POV
Kung tatanungin gaano nga ba kahalaga ang ekonomiya para sa isang bansa?
Maaaring ang sagot ng iba ay sobrang importante ito. Bakit? Dahil dito nakabase ang magiging istado o buhay ng mga nakatira sa nasabing bansa.
Economic growth can enable vastly improved living standards.
Isa sa paraan para lumago ang nasabing ekonomiya ay sa tulong ng human resources. Sa yaman na meron ang isang bansa...
Dahil ang katotohanan sa yaman ay nakukuha sa hilaw na materyales sa paligid mo. Marami tayong kailangan na kapag inisip mo, lahat nakukuha sa natural resources.
Mula pagkain, damit, gamit pag-aaral, mga alahas na sobrang ga-ganda sa ating paningin. Pati ang pera na hawak natin ay galing sa natural resources.
Bawat isa sa atin ay may mga bagay na nagpapasaya sa atin, may mga bagay tayong gusto na in-demand at mga bagay na nalalaos na. Ngunit kahit gayon ito'y may mga halaga. Bawat bagay na nakikita at nararamdaman natin ay may mga halaga na pati ang nasabing basura ay nag bibigay ng pera.
Dito papasok ang bangko, ang isang paraan na maaaring mataguan ng ating mga pera at mautangan.
Gusto kong ipasok sa Zion's Territory ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bangko. Ang pahalagahan ito kagaya ng paano pahalagahan ng ibang bansa ang kani-kanilang bangko.
Inutos ko kay Gomez ang pagpapatayo ng Bank sa aming teritoryo. Bagamat baguhan lamang ito sa kanilang mata dahil hindi pa nila alam gaano ito kaimportante sa pagpapalago ng aming bansa.
Malalaman nila ang kagandahan nito kapag ang pera ay tuluyan ng lumibot sa buong ekonomiya ng Zion's Territory.
Lumipas ang dalawang araw at natapos ang pagpapatayo nito. Isang magarbong lugar ang nakatirik sa sentro ng 3rd Wall. Inilagay namin ito ruon, dahil sa oras na mag expand ang aming teritoryo siguradong madadagdagan na naman ang mga walls o perimeter, lalayo ang bangko sa bagong tayong lugar kung sakali.
Sa Bangko may nakalagay na options
Pinindot ko ang [Options]
Agad may lumabas na mga salita
[Would you like the games system to control the Honor regulating system of your Zion's Bank?"]
[YES] or [No]
Dahil walang marunong na NPC sa amin ay pinindot ko ang [YES]
Mas maoorganisa ito at mas maayos ng AI, at isa pa wala naman mangyayaring corruption diba?
[Zion's Territory Bank Offers]
• Checking and Saving accounts
• Loan and Mortgages services
• Beneficiaries
[Approved] or [Disapproved]
Pinindot ko sa options ang [Approved]
[System will take your 100,000 Honor.]
[Approved] or [Decreased]
Napaisip ako, lalago naman ito kaya [Approved]
87,210 Honor na lang natira saakin.
[Zion's - System Bank Rules]
• [Sytem will grant a Wallet for the member of each Zion's Territory]
• [System will strictly approved NPC's business.]
• [System will punish NPC's who loans and doesn't compensate]
• [Only the Chieftain can take the money out and put the money in, Only the trusted admin administered by the Chieftain can organized the bank]
• [System will organized and collect tax. Tax will be used to fund welfare and public services.]
• [System will vanish the Player/ NPC's in the New World who are highly-indebted in their Tax or Loans]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
