ZION'S POV
Masasabi na ring malakas ang aming teritoryo ngunit hanggang ngayon wala pa rin kaming sariling public market.
Kaya nagpunta kami sa public market na pwede sa lahat ng mga [LORDS] at [ADVENTURERS]
Napapalibutan pa rin ako ng aking mga tapat na sundalo habang nangunguna si Sonia para mag promote ng bago naming ibebenta.
"Fresh meat and seafood meal for 25 Honor, Wine and Beer for 15 Honor"
Ipinaskil nito ang mga ibebenta at siyempre nakuha nito ang buong atensyon ng mga Players sa mundong ito.
Pati ang ilang NPC's na hindi alam saan kinuha ang kanilang mga pera ay nakabili.
Mabenta ang Alak na aming nagawa at nakatanggap kami ng puri at pera.
"Ang sarapp wahh"
"Uubusin ko na lahat ng Honor ko rito. Bahala na si Batman"
"Hindi naman siguro ako mauubusan ng alak no? Ang daming may gusto nung paborito ko."
"Grabe ang sarap nung pagkaing benta benta nila. Dagdag mo pa yung alak, naiirita na ako sa sobrang lamig ngunit dahil may ganitong pampainit okay na ulit ako."
Dahil marami kaming inimbak na mga prutas ay marami rin ang produkto namin, walang sawang bumili ang ibang titikim lamang nung una.
Nung 50 piraso na lamang ang natirang alak, naisip kong utakan ang mga bumibili.
"I-Auction mo na lang 'yung 50 pcs na Wine/Beer" Tumango si Sonia sa utos ko.
"Ladies and Gentlemen, 50 piraso na lamang ang natitira sa alak na inumin. Balak naming I-Auction ang mga alak na ito sa nararapat na bayad." Pagkapaliwang ni Sonia nun ay hindi ito nakarinig ng angal o galit sa mambibili.
"I bid 1,000 Honor"
"I bid 5,000 Honor"
"I bid 10,000 Honor"
"25,000 Honor"
"50,000 Honor"
"50,000 Honor"
"85,000 Honor"
Pataas pa nang pataas ang bid. Kahit ako na isang Lord ay naguguluhan bakit ang dami nilang Honor. Kaya napatingin ako sa "[Open Status]"
"[Options]"
Duon ko lamang napansin ang [Exchange Currency]
Ang isang Honor ay katumbas ng isang Peso sa Pilipinas.
Maraming mahihirap sa mundo ngunit hindi ibig sabihin nun na porke uunti ang mayayaman ay hindi na ganun karami ang kayamanan ng mga ito.
Ang isang yaman ng taong nangunguna sa Buong Mundo bilang pinakamayaman ay kayang paangatin ang estado ang isang Bansang mahirap. O sa madaling salita, yaman ng isang tao na kayang tapatan ang yaman ng isang Bansa. Hindi lamang tatapatan kundi maaari ring mahigitan.
Dahil may [Exchange Currency] na hindi na ako magtataka kung bakit dumarami yata ang may mga Honor.
"I bid 200,000 Honor for that 50 pcs of Wine/Beer, Huwag niyo ng tangkain na kuhanin pa ito. Kung may reklamo kayo kausapin niyo na lang ang Abogado ng Shen Group o ang Shen Family ko." Isang Boses ang umalingawngaw sa mga Players na nag B-bid.
Shen Group? Shen Family?
Sila ang Half Filipino at Half Chinese Family, ngayon ay nakatira sa Pilipinas at nagpapalago ng kanilang kayamanan. Masasabi mo na rin na well known Family, mayaman.
A well-off Lord.
Kilala rin sila sa paggawa ng alak at negosyo nila ito na aabot sa ilang Bansa sa labas at loob ng Asya.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ciencia Ficción(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
