[SHOOT ONESELF IN THE FOOT] 》》》Foolishly harm one's own cause, as in He really shot himself in the foot, telling the interviewer all about the others who were applying for the job he wanted. This colloquial term alludes to an accidental shooting as opposed to a deliberate one done so as to avoid military service.
---------------------------------------------------------
ZION'S POVIsang maayos at payapang paglalakbay ang nangyari sa amin. Abala si Glitch sa paghahati ng mga nakuha namin sa Chest habang ako ay nakaupo sa hapag-kainan na hinanda namin sa labas. Magandang kapaligiran at masarap na simoy ng hangin ang makikita at mararamdaman mo kapag nandito ka.
Dahil din ngayon lamang nakakita si Glitch ng laman ng mga chest, iba na lamang ang pakiramdam niya.
Inisa-isa na niya ang pagtatago ng mga nakuha niya roon.Nakangiti lamang akong pinagmamasdan siya habang paminsan-minsang nainom ng tsaa.
Lumapit siya sa akin at tumabi sa katapat kong upuan.
"Dahil tapos na ang trabaho ko rito, aalis na ako. Sigurado rin akong malalaman na ng lahat ang nangyari sa North Western na Mapa ng New World at magtataka sila na wala na doon ang alyansa ng mga Large Stronghold. Ako'y magsisimula na sa paglalakbay, mas mabuti pang huwag niyo na akong ihatid." Pasabi ni Glitch at tumayo na.
Tinitigan ko lamang siya at hindi pinigilan.
Nagsimula ng maglakad si Glitch at nang maka layo-layo na siya, lumapit ako sa mga Golden Chest na natira para sa akin. Pagbukas ko ng isang Chest wala itong laman, binuksan ko rin ang iba at ganun din ang mga ito.
Blanko na ultimo parang hindi talaga ako nagpunta sa mga Stronghold at nag-raid para sa mga loots.
Pinatawag ko ang mga sundalo na nagbuhat ng mga Golden Chest at tinanong kung mabigat ba ang Golden Chest bago nila nilapag rito.
"Mabigat po ito nung dala-dala po namin, kaya po nag tulung-tulungan pa po kami para mabuhat po ito sa Flying Ship, isa pong tumulong sa amin ay si General Expeditus." Napatango ako sa paliwanag ng isang sundalo na galing sa Zion's Territory.
Napalingon ako kay Expeditus at tumango ito at nagpaliwanag.
"Mabigat nga po ito." Ngumisi ako at pinalabas na ang mga nagtatago kong Sundalo sa Zion's Territory, gamit ang Barko sa tagong daan ng teritoryo doon ko pinadaan ang aking mga Sundalo.
Mas mabilis nilang mahahabol si Glitch dahil may gamit silang transportasyon kesa sa lakad lamang na katulad ng ginagawa ni Glitch, mabait na ako Glitch at hinayaan kitang makakuha ng porsyento ng hati sa loots ng Stronghold ngunit ang kuhanin na rin ang para sa'kin ay ang hindi ko matatanggap.
It was not curiosity that killed the goose who laid the golden egg, but an insatiable greed that devoured common sense.
Pinatawag ko si Notus o 'yung Flying Mount ko, 'yung laging Top 1.
Notus (Auster in Latin) is the south wind and bringer of the storms of late summer and autumn, one of the four chief of Anemoi - In ancient Greek religion and myth, the Anemoi (Greek: Ἄνεμοι, "Winds") were wind gods who were each ascribed a cardinal direction from which their respective winds came (see Classical compass winds), and were each associated with various seasons and weather conditions. They were the progeny of Eos and Astraeus.
• Boreas (Aquilo in Roman mythology) is the north wind and bringer of cold winter air,
• Zephyrus (Favonius in Latin) is the west wind and bringer of light spring and early-summer breezes,
• Notus (Auster in Latin) is the south wind and bringer of the storms of late summer and autumn;
• Eurus, the southeast (or according to some, the east) wind, was not associated with any of the three Greek seasons, and is the only one of these four Anemoi not mentioned in Hesiod's Theogony or in the Orphic hymns. - Wikipedia.org
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Bilim Kurgu(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...