VOLUME 2 - CHAPTER 57: Autumn Season (2)

77 9 0
                                    

WARNING: SHORT CHAPTER
---------------------------------------------------------
ZION'S POV

Ngayong maayos ko nang dinistribute ang mga Shrine Talisman, reports na lang sa akin ng mga tao ko ang muling binigyan ko ng pansin. Nag-aabang ako ng balita sa loob ng Office ko sa Manor ngunit wala naman napasok o nakatok sa pinto ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tumungo sa pinto. Nung binuksan ko ito at umaasang may Sundalo ako o mga Secretaries na naghihintay sa akin. Ngunit wala.

Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas sa Manor.

Pagbungad sa akin ay nandoon na ulit ang mga bata at masayang naglalaro, wala na rin ang madilim na kalangitan. Isang sariwang hangin at malamig na paligid ang muling bumungad sa amin.

Meron ka ring makikitang bahaghari, nakakatuwang pagmasdan na totoo nga ang kasabihan na 'Sa anong unos sa buhay, makakakita ka rin ng payapa at bahaghari sa dulo nito' sumisimbolo na nalampasan mo ang problemang iyong kinaharap.

Positibo na ulit tayong haharap sa lahat ng bagay na ating haharapin, panibagong tayo, mas matatag. Basta sama-sama nating hinarap ang problema, walang bagay ang makakapigil para maabot natin ang ating mithiin.

Pumunta sa akin si Sophia. Nakangiti ito at nagsabi ng...

"Chief Zion, isang magandang umaga. Huwag po kayo mag-alala, ok na po tayo ulit at maayos nating nalampasan ang unos na dulot ng mga peste at sakit sa halaman, nakumpirma ko po ito dahil sa research na isinagawa ng aming  Zion's Research Association, sa tulong pa rin po ito ni Mr. Jace." Tumango ako at pinuri ito sa trabaho niya.

"Salamat sa iyong paghihirap na masulusyunan ang problema natin ngayon, Sophia. Tingnan mo ang tuwa at ngiti na nakapaskil sa mga mata at labi ng ating mga bata, sila ang mag-aalaga sa susunod na henerasyon ng Zion's Territory. Sila ang pag-asa natin. Mahalagang ang mga batang ito ay maproteksiyonan, maalagaan hanggang kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa." Tumango naman si Sophia at tumango.

"Minsan nalulungkot ako kapag ang tanging iniisip lamang sa akin ng iba ay isa lamang akong doctor, nalilimutan nila na ako rin ay isang guro. Isang guro na naniniwala sa kasabihan na ang mga bata ay ang pag-asa ng bayan, nang Zion's Territory. Higit kanino man, kaming mga guro ang naniniwala sa kasabihang iyon." Tumango ako at nginitian ito.

Pagkatapos nun ako ay nagpaalam na at tumungo sa aking mga sundalo. Katulad ng pagkakaiba na tila isang langit at lupa nung Summer Season, ganon din ngayong Autumn Season na.

Nung sumilip ako sa mataas na pader ng Diamond Wall namin, makikita mo ang nakakakilabot na mga pesteng lumilipad at pakalat-kalat sa ibang teritoryo. Nanlaki ang mata ko, naalala ko ang mga bata na tago sa mataas na pader na ito at hindi nakikita ang nakakatakot na ito.

Maswerte ang mga batang ito dahil meron silang malakas at maaasahang Zion's Territory. Hindi sila nakakaranas ng ganito, hindi nakakakita ng ganito, at hindi nagpapakahirap sa ganitong problema.

Ito ang pinangako ko sa kanila, ikinuyom ko ang palad ko. Ito ang tungkulin ko bilang Lord.

Hindi ang puksain ang kalaban, hindi ang maging nakakatakot na Lord sa mata ng kalaban, kundi, mabilib ang mga taong naninirahan at pinoprotektahan ng teritoryo ko. Na ang Lord nila, kaya silang ilayo sa kapahamakan, iyon ang misyon ko.

Hindi kinakailangan na maraming teritoryo, maraming Lord. Kailangan naming magtulungan. Dahil sa labas ng mundong hindi na mabilang, ano nga ba ang totoong kalaban? Sino? At ano?

---------------------------------------------------------[VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS - CHAPTER 57: AUTUMN SEASON (2) VOLUME 2 FIN]

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon