PRINCE CASPIAN'S POV
Pagmulat nang aking mata ay bakanteng kabilang parte ng kama ang aking nadatnan.
Naiwan lamang na nakabukas ang TV sa kwarto at nag p-play ang Esports News...
"Sir. Sir. Ano pong masasabi niyo sa bagong update? Baka po pwede kayong mag bigay ng impormasyon. Maraming players ang nag aabang ng massive update ng VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS." Tumango't ngumiti ang lalaking tinawag nilang Sir.
"Hmm. Mag lalabas ang game ng pinakaunang boss sa laro, ang Autumn Boss para sa Lord sa game. Mangyayari ito sa pinakadulong araw ng Autumn Season kaya para sa mga Lords kayo'y mag handa. Malalaman ang ibang detalye pag kabukas niyong muli ng laro." Ngumiti ang lalaki at nag paalam na. Nakasunod sa kanya ang mga assistant at body guards sa kanyang likod.
Ngumisi ako.
Pag kasabi niya non sa balita ay pumasok si Athena sa kwarto.
"Malapit nang mag Winter Season sa laro, gusto mo bang mag pagawa ng mga damit at coat sa Village ko? Nag sisimula na kami mag trade. Dahil kilala kita, bibigyan kita ng chance para mag pa reserve ng mas maaga." Ngumiti ang babae at nag alok.
Tailor ang profession ni Athena sa Virtual Reality: Godly Gifts at nung nag lalaro palang kami ng Virtual Reality: Overpowered Character maayos na ang mga damit na kanyang nagawa at madalas din siya makatanggap ng papuri dahil duon.
Tumango ako.
"Kailangan ko ng 3000 pcs cloths and coats, magagawa mo ba? Name your price." Nagulat naman ang babae sa sinabi ko.
"Kaya naman pero mabibigay ko sa'yo 'yun sa gitna ng Autumn Season. 2000 Honor lahat ng babayaran mo sa akin at may isa pa akong kondisyon." Napatitig ako sa babae.
"Ano 'yun?" Tanong ko. Kaya kong ibigay ang 2000 Honor.
"500 pcs ng Weapons. Tamang tama kasi ikaw ay isang Blacksmith sa laro." Tumango ako. Madali lang naman iyon.
"Sige. Sa lalong madaling panahon gagawin ko iyang kondisyon mo." Nag sabay kaming bumababa sa hotel.
Kumain kami saglit at natulog din nung inantok na...
Kimabukasan, Pagka dating ng kotse sa entrance ng hotel namin ay nakita kong si Kuya ay kakarating lang din.
Pag kababa ko ay nakita ko nang nag hihintay siya sa akin. Lumapit ako sa pwesto niya at binati ito.
"Kuya." Tumango naman ang lalaking binati ko.
"Ginagawa mo dito? You should spend your time with your Wife. Lalo't na bago lamang kayong kasal binigyan ka na ni Papa ng 1 month leave." Tumango lamang ako. Si Kuya ang Vice President at ako ang President ng company. Bakit ganon?
Dahil sa aming mag kapatid sa akin naipamana ang kompanya sa Pilipinas at ang kay Kuya ay 'yung sa Europe na Company. Dagdag pang si Kuya ay Grand Duke sa Europe. Ganon pa rin naman, si Papa pa rin ang King.
Kung si Kuya ay Vice President sa company ko, ganon din ako sa kanya. Sadyang malayo lamang ang Europe at mas gusto kong mag stay sa Pilipinas.
"Let me take care of your company, Prince. Don't worry." Ngumiti si Kuya.
Napabuntong hininga ako at naalala ang sinabi ni Athena nung lumapit ako sa kanya "C-caspian, I don't want anything to happen~"
"Okay. Uuwi na lang ako ulit. If you're busy you can take a rest too, Kuya. Its not like the company cannot work if they only depend in the upper positions. I hire the workers so they can work diligently." Nag paala na ako at dumiretso sa bagong bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/257432187-288-k236374.jpg)
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...