ZION'S POV
Nang makita ang pamilyar na Adventurer Player ay kinausap ko muna sila Expeditus at Victus na pagkatapos ng gabing ito dapat magkaroon na kami ng bagong bilang ng mga sundalo.
Lumapit ako sa Adventurer Player na nagdala sa akin sa lugar na ito, naging friend ko man siya ngunit hindi ko pa rin natatanong ang mismong pangalan ng player na 'to.
Isa pa kahit na rin busy ako ay naaalala ko pa rin ang Player na tumulong sa akin sa direksyon ng lupaing ito.
Tuwing titingin ako sa paligid, sa mga bagay na ginagawa ko sa teritoryo, nandoon pa rin sa aking isipan na itong lugar na 'to nagsimula sa wala talaga, hindi rin ako magiging ganito kalakas ngayon kung hindi dahil sa pagkakaroon ko ng advantage sa mapa na tinitirikan ng teritoryo ko.
Nginitian ko ang babaeng Player.
"Naks, lakas mo na ah." Bati nito sa akin, nakangiti.
"Hindi naman gaano, kumusta? Pasensya na hindi ko pa pala nahihingi pangalan mo?" Tanong ko.
"Ay, Xu Ji. Nice to meet you." Tumango ako at binanggit pangalan ko.
"Xu Ji, Ako si Zion. Nice to meet you, salamat nga pala ulit doon sa direksyon nito. Maganda nga ang lugar na ito." Tumango ang babaeng kaharap ko at nag-alok ng kamay na aking hinawakan din.
"Walang anuman, nagkataon lang talaga na dito ako na-respawn bilang manlalaro, tapos sumakto 'yung hinihingi mong lugar sa description ng area. Kaya dinala kita rito.
Ngunit nakakabigla na ang patag na lupa lamang na ito ay nasakop mo na." Nakangiti nitong sabi.
Ngumiti ako at babawiin na sana ang kamay ko ngunit mahigpit ang hawak nito. Hindi siguro nito napapansin dahil ang buong atensyon nito ay nasa teritoryo ko. Hinayaan ko na lamang ang pangyayaring ito dahil mukha naman hindi rin niya ito gusto kundi wala lang talaga sa pokus.
Nasaan na kaya si Aeloxious?
"Dahil din ito sa lupa na nakatirik dito, malaki talagang tulong ang kapaligiran sa resources na kailangan ko para sa pagpapatayo ng teritoryo.
Magkakaroon pala kami ng Lantern Festival puwede kang manatili rito at sumama sa amin." I-iling pa sana si Xu Ji at ipaglalaban na dahil na naman ito sa kagalingan ko kung hindi ko pa siya pigilan.
Naglakad kami sa loob ng teritoryo kasama ang iba pang bagong saltang NPC's, habang dumadaan nag-uutos din ako na tawagin ako kapag nandiyan na si Aeloxious.
Sa Pangatlong Wall matatagpuan ang ibang NPC's at sa gitna ay may salo-salong kinagabihan ang aming hahatiin para sa aming lahat, kasabay ang panunuod sa pagpapalipad ng mga Lantern sa kalangitan.
Humiwalay na sa akin si Xu Ji nung naglalakad na kami, buti naman.
Itinuring ko na rin siyang kaibigan dahil mabait naman siya at napansin ko ang pagkakakailanlan ng mga NPC's sa Survivor Camp pagdating kay Xu Ji.
Nung kakain na, nag-usap kami Xu Ji bakit niya naging kilala ang mga NPC's na ito.
"Naaawa kasi ako sa kanila, 'yung iba kasi sa kanila walang matitirahan, 'yung iba namang nabibigyan ng teritoryo, binebenta sila na para silang slaves.
Nagsimula ang Survivor Camp nung panahon na naglilibot lamang ako tapos may nakita akong NPC na nag-respawn sa hindi magandang lugar. Alam mo hindi ito nakatakbo, saktong pag-apak ng paa nito sa lupa, marahil gulo-gulo pa ang isipan, mabilis nadakma ng mga buwaya ang NPC na iyon.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science-Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
