Ang Nakaraan:
Nagbabala si Zion patungkol sa mangyayaring baha na makakaapekto sa lahat ng manlalaro, ngunit nakatanggap lamang ito ng samu't saring opinion. Kung paano nila ito tatanggapin ay ang magdidikta kung sila ba ay magiging ligtas o hindi sa sakunang paparating.
---------------------------------------------------------
ZION'S POV
Hindi pa ubos ang tinda naming Crops ay tumataginting 900,000,000+ na ang Honor na nasa akin.
Nakikita ko na ang future ng Zion Territory, mukhang sagana kami.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa aking labi habang nililibot ang Zion Territory na puno ng bulaklak. Excited na rin akong i-harvest ito at kuhanin ang bilang ng Flower Nectar at siyempre mas masaya ako sa Regular Flowers lang.
Ayon kay Sophia o ang secretary ng Department of Education, may kakayahang mag-research si Sophia. Binigay ko kasi sa kanya ang Recipe ng Healing Potion.
Nang matanggap ito ay tuwang-tuwa siya na akala mo nakatanggap ng importanteng bagay, napakamot na lang ako sa ulo ng bigla itong humiling sa akin.
"Chief Zion, minsan lang naman po ako humiling sa iyo, puwede ko po ba gamitin ito para sa research project ko." Matamis na ngiti at nagpapaawang tingin ang binigay niya sa'kin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, pero pumayag ako. Wala naman sigurong mangyayaring masama kapag pag-aralan ni Sophia ang Healing Potion Recipe na ito, mamaya ma-boost pa at mapaganda pa niya ang effects nito.
Hindi nga kami nabigo dahil kinabukasan bumalik siya sa akin na may dalawang malaking nangingitim na eyebags, ipinakita nito sa akin ang research proposal niya kasama ang examples.
Kasama ruon ang example ng paglalagay ng Regular Flower na makukuha mo sa Flower Festival.
Kung natatandaan niyo pa...
[Healing Potion]
• A 100% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all disease can be healed instantly.
Ngunit kapag sinama mo ang Regular Flower magkakaroon ka ng
[Medium Healing Potion]
• A 300% Healing Potion, can heal broken bones, heavy injury, all disease can be healed instantly.
Nakita niyo naman din kung paano magbago ang pangalan nito, nagkaroon na ito ng Medium.
Mas tumaas din ang percentage nito.
Tuwang-tuwa ako ng malaman ito at siyempre sa aking pagka-businesses minded na utak, naiisip ko na agad na i-mass produce ang Healing Potion sa publiko at ilang Honor na naman ang mapaparating sa akin.
Wow!
Baka ako na ang susunod na maging host ng Wowowin at hindi ako mamimigay ng Jacket kundi "Bigyan ng Teritoryo 'yan" Hmm. Iba ka talaga mag-isip Zion.
Pwede na siguro kolektahin ang mga bulaklak na ito, napatingin ako sa mga rewards ng Flower Festival. Wala pang nakakakuha sa sampung rewards.
I think it's time to shop until I drop.
[Special Trading Section]
[Note: You can only exchange the reward for once. First come, first serve.]
[Top 1 - Diamond Wall (Blueprint)]
[Durability: 5000/5000]
[Magic Attack: Immune]
[Flower Nectar to Exchange: 5,000,000 Flower Nectar]
[Details: This is the upgradable wall version of Iron Wall.]
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
