CHAPTER 28: Massive Auction (2)

452 53 3
                                        

"Attention!!!

The massive auction will be starting after 1 Minute, thank you for coming"

ZION'S POV

Matapos umupo sa isang upuan na nakahanda sa kwarto na nakaayon sa aking VIP Card, nilibot ko ang aking paningin sa malaking salamin na magsisilbi kong tinginan sa baba kung saan naroroon ang regular bidders na hindi nakabili ng VIP Cards at ang mag a-auction na tao sa items na pag-aagawan namin. (May Zoom-in ito at sa pagkakaalam ko lalabas ang impormasyon ng item sa gilid ng screen/window)

Sa gilid ng mga upuan sa kwarto ay may isang virtual tablet. Soundproof ang loob ng VIP room na ito kaya'y i-t-type pa ng tao/player sa loob para malaman ang presyo ng kanyang bid.

Para rin mabilis ang pag-aayos ng bid ng bawat players na umabot na ngayon sa bilang na 5000 players, system ang mag-aayos nito. Mag lalaan ang system ng sampung segundo upang itype ng player ang bid nito at ayun sa program AI ng system mabilis nitong makikita ang pinaka may malaking bid at tatlong segundo naman para sa susunod na bid (para matalo o malabanan 'yung bid na mas mataas) patuloy tuloy ang pag taas nun hanggang sa sumuko na ang iba at manalo 'yung nag bid ng pinakamataas sa item.

Para rin sa protection of identity ng lahat ng players na nakadepende kung aaprubahan ng ilang players, hindi name ng player o name ng territory ang sasabihin na nakakuha sa item, kundi ang number na inatas sa iyo ng system.

Ang number ko sa auction na ito ay pang 999th sa 5000 na bilang ng lahat ng players na naririto.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo importante rin ang awtoridad mo sa realidad na buhay, paano mangyayari 'yun? Kung hindi nga nakikita ang pangalan at teritoryo mo?

Simple lamang, huwag mong gagamitin ang Protection of Identity.
Ang pangalan ng isang tao o pagkakakilanlan ng iba sa bigat ng pangalan mo, naiimpluwensyahan kung gaano ka kaimpluwensya.

May pi-fill-up-an ka kasing form sa virtual tablet (kapag hindi mo gusto ilabas ang identity mo nasa form iyon kung gusto mo naman sige lang maglabas ka ng personal details mo)

Halimbawa nito ay ang pangalan ng Presidente ng isang Bansa, dahil sikat ito at alam mong bigatin ang identity nito ay mas inuuna ito sa iba, dito nagkatatalo kung gaano ka ba ka-importante.

Habang ako hindi man kilala ng lahat ang totoo kong pangalan hindi na para sa akin 'yun mahalaga. Honor o pera ko ang ilalaban ko.

Hindi ko na kailangan pang ilabas saan akong galing pamilya kung para sa akin pangalan lamang ng teritoryo ko sapat na ang influence sa iba.

---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Sa oras na ito ay inip na ang ilang players sa VIP rooms, lahat ng server sa New World ay nakakaranas ng Massive Auction, ang ilang hindi nakasaling players sa auction ay makikibalita na lamang sa kanilang server sa players na mayaman na maraming nabili sa auction na iyon.

Ang bawat server na may auction ay iba-iba ang item na ino-auction, ang server ni Zion sa laro ay Server 1.

Server ay nakabatay sa Mapa mo sa laro.

Sa susunod na chapter ilalagay ng author ang buong detalye ng New World.

Balik tayo sa Auction, nagkaroon ng tunog ng bell.

"Auction Rules"

"First let me remind the rules; Following the strict rules of the system, all players attending the auction are forbidden to recharge Honor for now. Players need to recharge a day early or earned Honor before the auction starts."

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon