3RD PERSON'S POV
@New World - Asia Server
(Server 1)
[New Update: Notice]
• NPC's Cities
• Trading with NPC's Cities and Stronghold are available to players
• (Public) Port
• Sea
- (North) Septentrio Sea
- (East) Orientem Sea
- (West) Occidens Sea
- (South) Meridianam Sea
• Center - Trading Capital
• Mountains
- Northern Mountain - Sunrise Peaks
- Western Mountain - Altum
- South-Eastern Mountain - Obscure
• Sea Monster
[System Notice: Treasure Hunting]
• 9 small islands are scattered around the map find and own them.
• Explore Ruins found inside the map.
Nag-mark ako ng tatlong maliit na island sa Meridianam Sea, ayon sa libro na Ancient New World nasa gitnang island si Wyatt Agares o ang kailangan kong Commoner.
Kung tutuusin ito ang pinaka advantage ko sa laro kumpara sa ibang Adventurers' o Lords', nakasulat kasi 'yung direksyon ng ruins sa mapa ng ancient new world.
Meron akong 40,000 human soldiers, may tatlong ruins na pwedeng puntahan ng mga players at sakupin. Hinati ko ang 40,000 soldiers sa apat, 30,000 para sa tatlong ruins at 10,000 naman para sa mga sasama sa'kin sa pag b-byahe sa paghahanap kay Wyatt Agares.
Pinatawag ko si Gomez at si Homer
"Gomez kailangan ng magawa 'yung Battle Ship, Trading Ship at Naval Ship. Sa lalong madaling panahon dapat magamit na ito." Utos ko sa kanya.
"Gagawin ko po agad ang inyong pinauutos, Chief Zion." Tugon nito na tinanguan ko.
"Homer hindi ko maaayos yung pagbili ng mga spring seeds kaya kayo na lamang ang gagawa nun, magiging busy ako sa mga susunod na araw pagbalik ko sa aking pupuntahan pag-uusapan natin iyan. Dadagdagan ko na lang ang ipapasok kong Honor sa Zion's Bank at kay Ylona mo kukunin ang gastusin. Baka may mga special items din silang binebenta lagi mong titingnan." Balin ko naman kay Homer.
"Masusunod po, Chief Zion." Tumango ako at tiningnan silang umalis sa harap ko. Isang katok naman ang narinig ko,
"Pasok" Sabi ko.
"Chief Zion, nakarating na po sila Pain at ang mga tao po galing sa North West. Ipinautos ko na rin po na dalhin nila Victus ang Yin and Yang twin agri-goddess, middle grade shrine upang gamitin sa lupa ng North West." Ngumiti ako, maaasahan talaga si Sonia sa ganitong mga gawain.
Muling nagsalita si Sonia, "Chief Zion meron po kaming nalaman, may isa pong bagong sali na citizen ng Zion's Territory na marunong mag mural painting, bilang isa po sa mga nauna ninyo pong tinanggap na tumira rito sa Zion's Territory, Sobrang laki na po ng pinagbago nito kumpara nuong nagsisimula palamang kayo.
Nagkaroon po kaming mga secretaries ng pagpupulong upang payagan ninyo sana na ilagay o ipinta ng magaling na pintor ang kwento niyo rito sa mundo, simula una hanggang ngayon po at habang may ginagawa po kayong mas malaki pa at progresibo ay patuloy na madadagdagan ang nakalagay sa wall." [1]
Pinag-isipan ko ng mabuti ang gawaing ito, hmm.
Wala namang masama, wala namang mawawala sa akin kundi baka nga magkaroon pa ng lakas ng loob ang mga makakita non, na ang tinatapakan nilang lugar ngayon ay dahil sa paghihirap ng nagpatayo nito.
Tumango ako, "Sige, ikaw ang masusunod" naglabas ng papel si Sonia at ikwinento ko sa kanya ang lahat nangyari.
Nagsimula ang lahat sa pagbili ko ng [VR: Godly Gifts], nasaksihan ko si Alodia ang A.I na mag-aayos ng info ko sa laro, pinili ko ang [Lord] at duon na nga nabuo ang Zion. Dahil sa iisa lang ang aking [Land Title] pinag isipan kong mabuti ang pagpili ng lupa na titirikan ng aking Zion's Territory, gamit ang 10,000 Honor at ang isang naglilibot na Adventurer Player nahanap namin ang gusto kong lupa, ang Adventurer na ito ay si Xu Ji at ang pinaka una kong kaibigan sa laro.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
