CHAPTER 37: Meeting

269 34 3
                                    

The practice of managing a farm, growing crops and breeding animals is an example of husbandry. - https://www.yourdictionary.com/

---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Nagsimula agad ang araw ni Zion na maraming ginagawa, kaya wala na siyang sinayang na oras at sinimulan na ang pag-meeting...

Patungkol naman kay Adventurer Xu Ji, dinala lang niya ang mga bagong NPC's at umalis din agad, kaya ayun nadagdagan na naman ang populasyon ng Zion's Territory.

+450,000 NPC's

Galing 'yung NPC's ni Adventurer Xu Ji sa survivor camp (Look for Chapter 24: Shooting oneself in the foot (2)) Mas marami rin yung pinadala niya ngayon kesa sa nakaraan.

Sa isang kwarto na may mahabang office table, makikita ang mga Zion's Secretary.

Kasama rin doon si Pain at Keir.

Pag-uusapan kasi ang pagbuo ng Devil Armies, pati ang pag-unlad ng Zion's Territory, kung tutuusin pang-ilan na itong meeting ng mga Zion's Territory, puro pag-p-plano at kung ano pa man ang kanilang ginagawa, ngunit anong magagawa nila?

Hindi naman porke inisip mo lalabas agad ang plano na ito sa harap mo... Nangangailangan ito ng oras at panahon kaya mahalaga ang pag-p-plano. Wala rin naman ni isa sa loob ng kwarto ang nag rereklamo patungkol rito.

"Simulan natin ang meeting sa inyo Pain at Keir. Si Pain ay matagal ng gumagawa ng Devil Armies para sa Zion's Territory, Keir ikaw rin ba ay may planong gumawa nito? Kaka-upgrade lang ng Underground City natin na magandang paglagyan ng iyong Devil Armies..." Sabi ni Zion, napatingin naman agad ang mga Secretary sa bagong mukha na nagngangalang Keir.

Alam nila gaano kalakas ang Devil Armies ni Pain, kaya nakakagulat na kung pati itong si Keir ay marunong din gumawa ng Devil Armies niya.

"Walang problema sa akin ang paggawa ng sarili kong Devil Armies, Master Zion. Siguradong makakatulong ako sa labanan na mangyayari sa hinaharap. Sisiguraduhin ko na ang lahat ng kalaban na magbabalak tayong kalabanan ay maglalaho. Kapag maiisip nila ang Devil Armies at Zion's Territory mangangatog ang kanilang mga tuhod, magmamakaawa na lubayan natin sila. BWAHAHAH!" Tumawa ng pagkademonyo si Keir, kumunot naman ang nuo ni Zion.

Sunod na bumanat naman si Pain, ayaw magpatalo "Master Zion, Devil Armies ko lang po ang malakas, hindi niyo ito makukumpara dahil sila ang gawa ko. Kumpara sa isang Embodiment of Wrath na ginaya lamang ang nasimulan ko, doon pa lang mas angat na po ako." Sinamaan naman ng tingin ni Pain si Keir.

Tumawa lang si Keir ngunit may pang-aasar ang tingin nito kay Pain...

"Embodiment of Pride.. Hmm so-so." Asar ni Keir kay Pain.

"At least sa Rank ng Devils ako pa rin ang Number 1. Ang number 2 ay kahit kailan hindi naging number 1." Mabilis naman napikon si Keir. Gamit ang dark magic niya nagkaroon siya ng espada. Hindi talaga magpapatalo si Pain at naglabas din ng espada, umaapoy ito na may bahid ng dark magic.

"Sa labang ito, alamin na natin sino ba talaga ang nararapat na tagasunod ni Master Zion." Sabi ni Keir. "Sige, kung sino matalo sa labanang ito, lumayas na sa mundong ito." Sabat naman ni Pain.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon