Important Announcement
Hello everyone, Somniator here.
The chapter 44 of Virtual Reality: Godly Gifts will be my Advance Christmas Gift for my readers. Hope you like it❤️ I will update another chapter tomorrow (December 25, 2022).
---------------------------------------------------------
Ang NakaraanUpgrade to EXPERT KINGDOM 1?
Requirements:
• 7,000,000 Honor
• POPULATION LIMIT 5,000,000/5,000,000
• A Special Type of Army
---------------------------------------------------------ZION'S POV
Dati ang laging nagpapatagal sa akin ng upgrade ay iyong Honor, ngayon naman ibang dahilan na. Kulang ako sa tao, meron lamang akong mahigit kumulang na tatlong milyong populasyon, habang iyong Special Type of Army ay na-achieve ko na, siguro dahil ito sa Devil Armies nila Pain at Keir.
Wala akong ibang magagawa dahil ang pagpaparami ng populasyon ay hindi madali, kakabigay lang din sa akin ni Xu Ji ng mga NPC's, mukha namang imposible na may panibago na namang dadating.
Sa sumunod na araw ay ang ginawa ko lamang ay i-harvest ang mga tanim naming bulaklak at ideliver ito sa Research Institute ni Sophia kasama ang mga kasamahan niya.
Balak nilang magmass-produce ng Healing Potion na may 100% at ibenta ito. Mapupunta naman ang 200% na bisa sa mga close friends at allies ng Zion Territory, siyempre sa treasury namin mapupunta ang 300% na bisa ng Healing Potion.
Sa araw din na ito, halos lahat sa amin ay busy, si Gomez ay inaatupag ang pagsasagawa ng Diamond Wall, sila Wyatt Agares ay inaaral ang pagpapatakbo ng Trading Ships at iba pang barko ng Zion Territory.
Ang iba naman ay nag-t-training, may pinagkakaabalahan ngunit walang nagtangkang makipag komunikasyon sa Trigon Conglomerate, mainit kami sa ibang teritoryo, maraming nagmamatyag.
Malaking sekreto ang pagkakaroon namin ng Trigon Conglomerate, magiging isang malaking korporasyon ito balang araw.
Isa pa palang nagpapaalala sa akin ay ang nalalapit sa aming NPC City. Mas malakas ang teritoryo namin roon pero may nag-tip sa akin na magpapadala raw ito ng Messenger.
Ang nag-tip sa akin ay isang Adventurer na dating tumira sa amin nung Winter Season, simula kasi nang magkaroon ng Stronghold ay nagkaroon din kasunod ng NPC City, ngunit hindi ito kagaya ng Stonghold na kakalabanin ka, ang NPC City ay isang Open City, pwedeng makipag-trade ang Adventures at Lords ngunit wala pa akong naririnig na Lord na successful nakipag-trade sa isang NPC City.
Mas kumplikado kasi ito kung mararapatin, may Hari't Reyna sila na hinahangaan at sinusunod magmula unang henerasyon pa lamang, mga naggagandahan at makikisig na Prinsipe't Prinsesa, may militar silang mga sundalo at pinamumunuan ito ng mga tao. Sagana ito sa negosyo at pagkain.
Ngunit natural na rin siguro na wala akong tiwala sa kanila lalo na at ang isang natural na katangian ng mga tao ay ang pagka-inggit. Magkalapit ang dalawang teritoryo ngunit ang samahan sa kanilang pagitan ay nagsusurian kung magkaibigan ba o magkaaway.
Ayoko mapasama sa mga ganitong tao, kaya naman kapag oobserbahan ang aking Teritoryo, ito ay nakatayo lamang mag-isa, wala akong ginawang guilds, kaya wala rin talaga akong matatawag na Allies maliban siyempre kina Aeloxious at Xuji.
Kapag tatanungin ako, mas gusto kong masolo ang buong South Eastern na mapa.
Mangyayari iyan, pero hindi pa ngayon.
Kung para saan man ang pagdating ng Messenger ay duon naman ay wala akong ideya.
Kung ang kabilang panig ay nagsimula ng magbigay pansin at ang aking teritoryo ay nagsisimula nang mang bighani ng iba ay mukhang kailangan ko ng umisip ng plano upang hindi ako masama sa gulo.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Science Fiction(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...