ZION'S POV
Muling bumalik sila General Expeditus.
"May bahay kubo po kaming nakita at may nakasinding lampara sa loob, nung kumatok po kami ay wala namang tao sa loob. Baka po nasa tabi-tabi lang ito o kaya'y baka ito na po ang taong ating hinahanap." Tumango ako sa binigay na impormasyon ni Expeditus.
"Kung gayon ay tara na't puntahan natin ang sinasabi ninyong bahay kubo at mag-bigay galang dito sa paraan ng paghihintay sa may-ari ng patuluyang ito." Tumango sila Expeditus at kasama ang ilang sundalo ay dinala nila kami sa sinasabi nga nilang lugar habang ang ibang sundalo ay kailangang maiwan upang bantayan ang buong paligid ng isla at mga barko namin.
Hindi ko rin nalimutan mag-utos na kumuha ng isda na aming nakuha sa karagatan at sa dala naming raw meat para naman may pagkain kami pagpunta rito. Nakakahiya namang makikain pa.
Pagpunta namin duon ang saradong pinto ay bukas na... Maririnig ang tahol ng aso na nakatali sa labas ng bahay kubo.
Kasabay nun ang tunog ng yapak ng isang tao, sa bukas na pinto ay lumabas ang isang lalaki, matangkad ito at gwapo.
Mukhang hindi nalalayo ang edad nito kay Expeditus at Victus.
"Sshh, bakit ang ingay mo?" Pinatahimik ng lalaking bagong labas ang aso na iyon sa tulong ng paghimas sa katawan nito at sa ulo, agad naman tumahimik ang aso ngunit tinitingnan pa rin kami ng may pagbabadya.
May nilabas na buto ang lalaking iyon at hinulog ito sa tapat ng aso ngunit kesa na pagpiyestahan ito ng aso ay parang nandidiri pa itong tiningnan iyon.
Napatingin sa amin ang lalaki at halatang nagulat ito ng makita kami, kalaunan ay ngumiti rin ito.
"Pasensya na at ngayon ko lamang kayo nakita at hindi maganda ang pagkakailanlan natin, ako si Sicario at ito ang aso ko." Ngumiti ang lalaki, nagpunas ito ng kamay gamit ang naka-sampay na damit sa balikat nito at nag-alok ng kamay.
Hindi naman ako maarte kaya kinamayan ko rin ito, nagsenyas din ako na dalhin at ibigay ang hinuli nilang isda at karne na naitabi namin para sa lalaki.
Ayaw pa nitong tanggapin ang bigay namin na pagkain ngunit dahil sa pamimilit namin ay nahihiya niya itong tinanggap.
Pinatuloy niya kami sa loob ng kanyang bahay, dahil hindi kaming kasya lahat ay nasa labas ang iba kong sundalo, natira kami sa loob ni Expeditus.
Umabot na nang hapon ang pag-uusapan namin at naekwento na ang pakay namin,
"Hinahanap namin si Commoner Wyatt Agares." Makikita ang pagbabago ng ekspresyon at halata ang saglit na pag kislap ng mata ni Sicario bago ito mawala muli at bumalik sa normal.
"Hmm, kilala ko ang taong iyan ngunit sa kasamaang palad hindi mo na mahahanap ang taong hinahanap mo." Paliwanag ni Sicario. Nag-alok ng tsaa si Sicario at nagpasalamat ako.
"Maaari ko po bang maitanong kung bakit?" Tanong ko at ngumiti kay Sicario.
"Wala akong kaalaman sa nangyayari sa labas ng islang ito ngunit sa hindi malamang dahilan, pinagkakaguluhan ng mga taong labas ang isang bagay na nasa loob lamang ng isla." Nagsimulang mag kwento si Sicario.
Siguro ang tinutukoy niyang taong labas ay ang mga dayuhan, maaaring isa rito si Wyatt Agares.
"Pwede ko po ba malaman kung ano ang bagay na ito?" Tanong kong muli, ngumiti si Sicario at tumayo.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ciencia Ficción(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...