CHAPTER 11: Making Honor

417 57 4
                                    

ZION'S POV

Sa Pilipinas may sinusunod silang uri o masasabi na ring klase ng pangingisda. Agrikultura ang nagbibigay ng pinakamalaking porsyento ng pera para sa mga sambayanan ng isang bansa o teritoryo.

Bakit?

Dahil nga sa marami kang magagawa sa hilaw na materyales at mga bagay na makukuha mo lamang sa iyong kapaligiran.

Balik sa pangingisda. Meron tayong komeryal na pangingisda ito 'yung pangingisda na gumagamit ng bangkang may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada, sakop lamang ng operasyon ay 15 kilometro labas ng nasasakupang bayan.

May isa namang tinatawag na munisipal na pangingisda ito 'yung kabaliktaran ng komersyal na pangingisda dahil 15 kilometro loob ng nasasakupan ng isang bayan ang pwedeng operasyon dito. Gumagamit din ito ng bangkang may tatlong tonelada o mas mababa pa at hindi ito gumagamit ng fishing vessel.

Ang pinakahuli ay ang pangingisdang aquaculture ito 'yung tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba't ibang uri ng tubig. Uri ng mga tubig ay ang mga sumusunod (fresh - tabang), (brackish - maalat-alat), at (marine - maalat)

Kailangan ng isang Bansa ang isang matibay na pundasyon para maging sagana ang perang umiikot sa ekonomiya ng isang teritoryo, kailangan kong gumawa ng trade sa paraang gagamitin ko ang aking kapaligiran.

Dahil nasa South East ako ng mapa ng New World ang nasa kanan ng aking teritoryo ay ang malawak na karagatan kung saan nakatira si Blue.

Wala pang nag tatangkang Lord ang pumunta sa malawak na karagatan na iyon dahil na rin sa delikado ang mga nakatira sa kalaliman ng tubig na iyon.

Ngunit kahit ganon, kung hindi ako kikilos, kadahilanan ba iyon para maghintay ako na magkaroon ng lakas ng loob ang ibang Lord at maunahan akong kumilos?

Kaya naman hahatiin ko na ang atensyon ng aking pagkukuhanan ng aming Honor o pera sa laro, sa susunod na taon siguradong ang teritoryo namin ang mag iisang conqueror ng karagatan at isang kilalang malakas na samahan sa nasabing karagatan sa hinaharap.

Kagaya ng isang mayamang tao sa Earth, sisiguradong imomonopolize ko ang trading sa karagatan.

Ito yung Goal ko sa laro muna.

Habang hinihintay ang pag sasaayos ng aming University, matagal ko ng kinausap si NPC Sophia na siyang Doctor at ang nag iisang Scholar sa teritoryo namin.

Sa ngayon siya muna ang tatao at magtuturo sa nasabing paaralan.

Importante ito ngunit hindi rin naman kinakailangan na iwanan niya ang profession niyang Doctor. Kung hindi ako busy sa ilang kailangang gawin bibisita ako sa nasabing University at tutulong mag turo.

Tungkol sa mga Adventurer's Player ang kalahati sa kanila ay nagsisimula ng magpakita ng potensyal na maaaring magamit sa pagpapalakas pa ng teritoryo namin.

Ang ilan sa kanila ay may alam sa agrikultura, economics, architecture at iba pa dahil na rin sa totoong trabaho nila sa labas ng laro, 'yung ibang Adventurer Player's naman na nagmimina ay sobrang nakakatulong kay Gomez dahil 'yung kanilang minimina ay makakatulong sa pagpapatayo ng mga gusali sa hinaharap.

System Notif
• In the midst of Winter, Winter Boss will purge his way out to kill every Lord.
It is recommended to kill the Winter Boss, so you can get good rewards.
A day after fighting the Winter Boss, A massive global auction will take place, a Lord with 10,000 Honor will be able to join.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon