CHAPTER 31: NPC's Cities (2)

416 50 5
                                    

ZION'S POV

Umalis din agad si Sonia pagkatapos isulat ang mga sinabi ko sa kanya, dahil matagal pa ang paggawa ng mga inutos ko kay Gomez wala akong gagawin, maliban sa pagtulong kay Met sa paggawa ng Inferior Version ng Fallen Armor tinitingnan ko ang ginagawa ng mga Adventurer Players at Citizens ng Zion's Territory.

Ginawa rin agad ni Homer ang utos ko sa kanya sa pagbili ng seeds ngunit na-disappoint ng sabihin niyang walang naka-paskil sa special shop. Tumango ako at sinabing lagi niya itong titingnan kapag wala ako.

Nakita ko na rin sa personal ang marunong na pintor sa Mural Painting, binata pa ito ngunit makikita na ang talento nito, binabasa pa nito ang mga sinulat ni Sonia at tumatango-tango pa habang sinusuri ang lawak at taas ng Wall.

Pinatawag ko si Ylona, ang naghahawak ng Department of Commerce ng Zion's Territory.

Sinabi ko sa kanya na nais kong magdagdag ng sweldo at mag-invest sa Zion's Bank ngunit sa pagbabalik ko pa, dalawang milyong Honor lamang ang meron ako ngayon hindi ko pa kayang mag pa-sweldo ng sobrang daming tao.

Tumango ito at nagsabi ng mga pwedeng gawin habang maglilibot kami sa karagatan, sa Trading Ship ay nagpalagay siya ng mga lambat upang habang papunta kami kay Wyatt Agares ay makapangisda na rin kami at uuwi kami upang ibenta ito.

Tumango ako at kampante na maaayos nila Sonia at Ylona ang teritoryo habang wala ako, (I mean kahit naman wala ako rito, sila pa rin naman nag-aayos, anong pinagkaiba non -_-)

Bumalik si Gomez at sinabing sinasalang na sa karagatan ang mga nagawa ng team niya na Battle Ships at Naval Ships.

Magtatanong pa sana ako kung nasaan na ang Trading Ships ng pagkarating namin doon ay sandamakmak na Trading Ship agad ang nakita ko.

12 Trading Ships ang nasa public port at takaw atensyon ito, buti na lamang malayo ang NPC City na nasa South East din. Kundi baka mapalaban ako at walang choice kundi maging delikado ang Zion's Territory.

Kapag nalaman nilang masyadong malakas ang Zion's Territory, dalawa lamang ang pwedeng mangyari sa amin maging kaalyansa o kalaban... Hindi ko pa i-r-risked ang Zion's Territory habang hindi ko pa nahahanap si Wyatt Agares.

Tig-dalawang Battle Ship at Naval Ship naman ang nangunguna, bago maghandang umalis ay nag-utos na ako sa 30,000 Soldiers ng Zion's Territory, kasama si Pain.

Hahatiin ni Pain ang Devil Armies niya sa 30,000 Soldiers ko habang mang l-loot sila ng Ruins sa [New World] alam lang namin kung nasaan ang Ruins ngunit hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin sa loob non, meron bang treasure na walang traps at guardians?

May tiwala ako sa mga Secretaries ko at naiwang Victus na hanggang ngayon ay nasa North West pa rin, aayusin nila ang lahat habang wala ako.

Pag ka-board ko sa Battle Ship ay roon na nagsimulang magtrabaho ang lahat, may mga workers kaming kasama sa lahat ng Ships upang sila ang mag-aayos ng pagpapatakbo nito.

Nakita ko si Blue na lumalangoy roon at nauuna siya sa lahat ng ships, ihahatid daw nito kami at kapag susundan namin siya, hindi kami mapapahamak ngunit ang paghahatid na ito ay hanggang sapat na distansya lamang.

Kailangan nitong bumalik sa teritoryo niya dahil kapag napalagpas siya, magagambala niya ang iba pang Sea Guardian.

Matapos niya kaming ihatid ay tumagal kami ng ilang araw sa karagatan. Kagaya ng sabi ni Ylona nangingisda ang iba at ang lahat ng isda na nakukuha nila sa lambat ay nilalagay nila sa tambakan ng mga nahuli nila sa loob ng trading ships.

---------------------------------------------------------
3RD PERSON'S POV

Nang nasa kalagitnaan na sila Zion ng karagaratan, nagsisimula na rin sa pagiging busy sila Victus sa North West, naghahanda na rin ng plano ang mga naiwan sa Zion's Territory at mga sundalo na balak puntahan ang bawat Ruins.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon