CHAPTER 17: The mantis stalks the cicada, unaware of the oriole behind (1)

382 51 8
                                    

3RD PERSON'S POV

@Large Stronghold - Human Territory

Isang babae ang naka-bestida na puti sa labas ng teritoryo ng mga Human Stronghold. Madumi ang mukha nito at nanghihina, nang makita siya ng mga Sundalo na nagpapatrolya ay agad siyang pinapasok sa loob ng kanilang teritoryo.

Dahil sa pagkakaawa at dahil sa kagandahan ng babae ay nabighani niya ang mga tao doon, ni hindi siya pinagdudahan at tinanong saan siya galing.

Duon nagsimula ang pagkakamali nila. Ang magpapasok ng isang Wolf sa Sheep's Territory.

Binigyan ng magandang tirahan, masasarap na pagkain si Love, mas maganda pa nga ang damit na suot suot niya kesa sa mga nakatira doon na kababaihan, kahit ang tela ng mga damit ni Love ay tinago ng ibang kalalakihan para sana sa kanilang mapapangasawa.

Nabubugnot na si Love, lumipas ang isa't kalahating araw ngunit tiniis niya iyon para sa mga ipapadalang balita.

Gamit ang ibon na tin-train niya ay 'yun ang taga-deliver ng impormasyon na ipinapahatid niya papunta kina Zion.

Nung gabi ay dumating na ang pinakahihintay niyang pangyayari.

"Love, dito ka lang kahit anong mangyari. Kailangan namin makipaglaban sa Orcs sa kabilang Large Stronghold din. Huwag kang kabahan, hindi tayo guguluhin ng mga Medium at Small Stronghold dahil takot sila sa atin." Nanginig si Love kunwari sa takot, nagkaroon ng pangangamba ang ekspresyon sa mukha at takot sa mata.

"Huwag ka na lang tumuloy, paano ang buhay mo? Ninyo?" Tanong ni Love.

"Ano ba, malakas ako. Huwag kang matakot babalik ako." Ngumiti pa ang lalaking sundalo na nahulog na kay Love kahit dalawang araw pa lamang ang lumilipas.

"Sige kung ipipilit mo, ibigay mo lahat ng makakaya mo." Ngumiti ng alanganin si Love.

Tumango ang lalaking sundalo at naghanda sa labanan na iyon, nagkaroon ng pagpupulong ang mga sundalo kaya naiwan siyang mag isa, habang ang mga bata ay naglalaro at walang pake sa nangyayari. Ang mga kababaihan ay busy sa paggawa ng pagkain.

Dumiretso si Love sa sapa at nagsabing maliligo ngunit nang suriin na walang ibang tao sa sapa na iyon, siya'y sumipol at lumabas doon ang ibon na maliit, ipinasok niya ang sulat sa paa ng ibon at ipinalipad na ito.

Sa kabilang banda,

Nang matanggap ni Zion ang balita hinimas nito ang ibon at binigyan ng treats.

"Maghanda na kayo." Matapos utusan ang mga Devil Armies, isang mahimbing na pagtulong ang ginawa nila. Dahil na rin sa binigay na pataba at pagkain sa kanila ni Pain siguradong sa paggising nila ay mas malakas pa sila kumpara nung nakaraan.

Ang gagawa muna ng trabaho ngayon ay ang mga sundalo ng teritoryong Zion's.

Sa bilang na 40,000 Soldiers, ang pagkontrol sa casualty sa labanan nang dalawang Large Stronghold ay madali na lamang.

Maglalaban ang dalawang Stronghold sa gitna ng Northern at Eastern part ng mapa. Habang ang grupo nila Zion ay maghihintay lang sa gilid/likod, basta sa lugar na hindi sila makikita, habang busy ang dalawang panig. Kapag may humihina na sa dalawa doon lamang papasok ang Zion's Territory.

The Chinese Idiom 'The mantis stalks the cicada, unaware of the oriole behind' (螳螂捕蝉,黄雀在后), which the story behind the idiom comes from Shuo Yuan(说苑), refers to those who are attracted by immediate interests without thinking about the possible dangerous results.
- https://biology.stackexchange.com ›

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon