VOLUME 2 - CHAPTER 50: Amory's Territory

120 9 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Dahil nakapaghanda kahit papaano ang Pamilyang Amory, mabilis nilang na-upgrade ang kanilang teritoryo. Pagsapit ng takdang oras para sa pagtransmigrate ng players, ang pamilyang Amory ay hindi na kailangan pa mag-recharge sa laro at naglalaro na sila ng payapa, isa na rin dahil maagap sila kumilos at dahil nauna silang magpalit ng pera bago pa mangyari ang ganitong eksena, hindi katulad ng ibang mayayamang players na hanggang ngayon nag r-recharge pa rin.

Galing sa Novice Village 3, sila ngayon ay Novice Village Town 2 na at malapit ng mag upgrade ng Novice Town 1. Sa wakas meron na rin silang Floating City at Underground City.

Bagamat may Floating City sila at may ilang Flying Mounts, wala ruon ang malalakas na Flying Mounts kundi nasa teritoryo ni Zion.

Ayon nga sa isang sikat na kasabihan sa Ingles 'The early bird catches the worm' basta ikaw ang mauna sa pag summon at gawin ang bagay na hindi pa nagagawa ng ibang players, lahat ng magagandang bagay, mauuna na sa'yo. [1]

Bagamat naninibago ang Pamilyang ito, masaya silang malaman na ang bunso sa kanilang Pamilya ay malakas sa laro.

Nag-chat na kasi si Prince Caspian sa [Family Chat] duon nila nalaman na siya si [Zion] medyo malayo man ang Teritoryo nila sa isa't isa. Hindi mo maitatanggi na kilala ang pangalang Zion, loob o labas man ng Laro.

Siya lang kasi ang Lord na naunang mag-upgrade galing Novice Town 3 hanggang Expert Kingdom 2. Siya rin ang nag Top 1 sa Lord's Ranking. Bilang kapamilya, hangang-hanga sila sa layo ng narating ng kanilang bunso ngunit hindi nila maiwasang mangamba sa maaaring kinabukasan nito ngunit pinipilit nilang intindihin ang kapamilya nila at magtiwala rito.

'The tallest tree always experiences the strongest winds'. - Chinese Proverbs.

Ang tanging Papa lamang nila Alexander at Prince Caspian ang nag tanong anong plano ni Zion sa hinaharap.

"Ang sakupin ang buong New World, bumuo ng napakalakas na Emperyo." Tanging sabi ni Zion sa [Family Chat].

Nakatanggap ng samot-saring opinyon si Zion, hindi magaganda at sinasabing ito ay tila isang panaginip na layunin, imposibleng marating.

Apat lamang ang hindi sumagot sa sinasabi ng buong angkan nila. Mama ni Prince Caspian, Mama ni Alexander, si Alexander mismo, at Papa nila na naging Hari rin ng Europe.

***
Balik tayo sa teritoryo ni Zion.

Mabilis nilang natunton ang kuta ng Stronghold na matatagpuan sa South Eastern Stronghold. Agad nila itong sinugod, hindi ko na rin ito i-k-kwento pa ng mas malalim, dahil ang Stronghold na ito at iba pang Stronghold na makikita sa New World ay tanging stepping stone lamang ni Zion.

Lahat ng ito ay malalagpasan niya at hindi ito ang pinakakalaban niya sa kwentong ito. Sa Large Stronghold na iyon nakatanggap siya ng isang Gold Chess, ilang Silver at Wood Chess.

Pagkapanalo ang tanging resulta ng labanang ito.

Nang malaman ng Human City ng South Eastern Map ang nangyari sa South Eastern Stronghold, wala na ito nagawa kundi huminga ng malalim.

"Kami na ang susunod." Ang bulong sa hangin ng Hari ng Human City sa South Eastern sa sarili nito.

Kung ang Human City na iyon ay kinakabahan sa mangyayari sa kanila, iba ang nasa isip ng mga katabing Stronghold.

Meron dalawang opinyon sa mga isip nila. Una ay masyadong walang kwenta at mahina ang South Eastern Stronghold at mga sundalong nandoon, papaanong natalo agad ito ng isang pipitsuging Lord? Naniniwala sila na kaya nila pumatay ng mga limang Zion Territory kahit may Newbie Protection Period pa.

VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon