ZION'S POV
[ZION'S TOWN - NOVICE TOWN 1]
• BEWARE YOUR TERRITORY IS AT RISK."Generals train your Soldiers well." utos ko, muli kong tinawag si Sonia.
"Yes, Chief Zion?" Tanong ni Sonia pagkadating niya.
"Libutin at obserbahan ang pagbabago sa kapaligiran, kahit maliit na impormasyon ay huwag kaligtaan." Tumango si Sonia at isinagawa na ang pina-uutos.
Inipon niya ang 30 na bilang ng sundalo at tsaka lamang lumabas, dahil na rin sa mang-i-spy lang naman siya uunti lang ang dinala niya.
Ako naman ay naiwan sa loob ng teritoryo para tumingin ng mga problema sa loob.
@Manor
Habang nakatingin sa kalendaryo ng New World.
[Winter Season]
Day 15th - Winter JanuaryMuli kong binalikan ang mga kailangan pang gawin sa loob ng teritoryo namin, isa na roon ang agrikultura ng lugar.
Sa tulong ni Wayne nagkaroon kami ng usapan na punuin ang 2nd Perimeter (Wall) ng Agrikultura, sa pakikipag-areglo na rin kay Gomez napag-usapan at napag-planohan na rin namin ang pagpapatayo ng 4th Perimeter ng teritoryo na pupunuin ulit ng Agrikultura.
Pero bago 'yun nautusan ko muna si Gomez na i-upgrade ang wall sa mas malakas na klase ng bato.
Bumalik si Sonia nung gabi na.
"Anong nangyari? Maupo ka." Sabi ko kay Sonia, sigurado akong pagod siya sa paglilibot.
Umupo si Sonia kasabay ng pagkatok sa pinto.
"Pasok." Sigaw ko, agad pumasok si Love na may dala-dalang pagkain at inumin para kay Sonia. Habang naglabas lang ng tsaa para sa akin si Love.
"Thank you." Tumango si Love at lumabas na.
"Chief Zion, Sa paligid ng teritoryo natin ay may mga nakapalibot na nga pong mga Strongholds, halo-halo at magkakatabi ngunit kahit ganon mukhang hindi magkakaugnayan ang Strongholds dahil sa pagkakaiba nila ng lahi." Naguluhan ako sa paliwanag ni Sonia kaya naglabas na lamang siya ng papel na may kopya ng impormasyon sa labas.
North - 5 (1 Large, 1 Medium, 3 Small)
East - 5 (1 Large, 2 Medium, 2 Small)
West - 3 (3 Medium)
South - 0Northern Part - 1 Large Orc Stronghold
Eastern Part - 1 Large Human Stronghold"Anong impormasyon ang nakuha mo sa dalawang Large Stronghold?" Tanong ko kay Sonia.
"Magkalaban po ang dalawang Large Stronghold na iyan dahil na rin po sa hindi pagkakaintindihan sa trade ng goods sa paligid nila, ayon rin po sa obserbasyon ko mukhang hindi pa po nila tayo napapansin. Dahil malakas din po ang dalawang Large Stronghold wala silang pake sa nangyayari sa paligid nila, pati sa mga Medium and Small Stronghold." Tumango ako sa paliwanag niya at ngumisi.
"Kung gayon, Generals." Tawag ko sa dalawa kong Generals na agad din namang pumasok sa Manor, napansin ko lang, hindi pa sila na-late sa tawag ko.
"Tigilan muna ang paglabas at pagpapapunta ng mga sundalo sa malapit na Large Stronghold upang hindi sila magkaroon ng kaalaman na minamanmanan natin sila." Tumango naman sila Victus at Expeditus.
"Love." Tawag ko sa labas ng kwarto na pinagpupulungan namin. Agad naman pumasok si Love.
"Dito mo na gagawin ang trabaho mong spy, mag-impake ka at mag handa para sa pagpupunta mo sa Human Large Stronghold sa Eastern Part ng teritoryo natin. Makibalita ka kung kailan nila balak makipaglaban sa Orcs Large Stronghold." Tumango si Love at umalis nang muli.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ciencia Ficción(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...