ZION'S POV
Oras na para buksan ang mga Rewards na nakuha sa mga Stronghold.
Ang chests.
Rewards:
- Stronghold Chest
• Wood (Small Stronghold)
• Silver (Medium Stronghold)
• Gold (Large Stronghold)
Kung natatandaan niyo pa merong dalawang Large Gold Chest, anim na Medium Silver Chest at limang Small Wooden Chest.
North - 5 (1 Large, 1 Medium, 3 Small)
East - 5 (1 Large, 2 Medium, 2 Small)
West - 3 (3 Medium)
South - 0
Ngayon po ang opening ng chest para makakuha ng rewards (Parang unboxingXD)
Kapag maganda ang kalabasan ng mga rewards na ito baka hindi lang kalapit na teritoryo ko ang mawalan ng Stronghold.
At dahil nag i-isa pa lamang ako na Lord na umabot ng Novice Town 1 nasa aking kamay ang disisyon kung lahat ba ng Stronghold ay i-seize ko.
Sinimulan kong buksan ang limang Small Wooden Chest.
Reward (Wooden):
- 200,000 Honor Red Packet (3x)
- Blueprint - Manor Design
- Armor Blueprint
Natuwa ako dahil kahit papaano may nadagdag na 600,000 Honor sa teritoryo ko. 100,000 Honor din kasi ang nakuha sa akin nung nakaraan para lamang madagdagan ang bilang ng sundalo ng Zion's Territory.
Patungkol naman sa Blueprint - Manor Design nagmukha lang mas pleasing sa mata at pinagarbo ang itsura. Magkakaroon ng kulay ng ginto ang Manor mo para magmukha itong elegante.
About naman sa isa pang Blueprint mas magandang klase ito ng Armor, mas maganda pa sa suot ng mga sundalo dati, kaya mukhang kailangan ko na naman magpaka-busy sa Blacksmith.
Mass produce na naman ng Armor para sa 40,000 Soldiers ng Zion's Territory.
Sinunod kong buksan ang anim na Silver Chest
Reward (Silver):
- 500,000 Honor (3x)
- Land Card (2x)
- Golden Dragon Robe
1,500,000 Honor na naman ang nadagdag sa pera ng teritoryo at wallet ko. 'Yung Land Card naman magagamit mo ito sa pag-expand ng Land Area mo. 'Yung Golden Dragon Robe maangas lang tingnan Jk.
Name: Golden Dragon Robe
Effects: When wearing while fighting, it gives additional buff
User: Lords can only wear the Golden Dragon Robe
Huli kong binuksan ang dalawang Chest na makukuha sa Stronghold na Large.
Reward (Gold):
- Blueprint of Flying Ship
(A Flying Ship, a vehicle with both defense and offense)
- White Flag
(Make a Stronghold surrender, works with every kind of Stronghold - Usable for only 3 times)
(NOTE: IT MAY NOT WORK IF THAT STRONGHOLD IS MUCH MORE POWERFUL COMPARE TO YOUR TERRITORY)
Nagulantang at natuwa ako sa mga nakuha kong reward. Maganda na 'yung Blueprint ng Flying Ship pero mas malupet ang magagawa ng White Flag kapag iniligay ko iyon sa Large Stronghold. Walang dugo ang kakalat.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, para hindi masayang ang oras ginamit ko agad ang Blueprint ng Manor Design na agad namang nagamit at dahil doon mabilis na napalitan ang itsura ng Manor ko.
Pangalawa ay ang Land Card na dalawa, na agad ko rin namang ginamit para mai-expand ang teritoryo. Ginamit ko ito sa part na malayo sa tubig. Napansin ko rin na 'yung buong bundok pala ay nasakop na ng Teritoryo ko. Iniwan ko naman ang Blueprint ng Flying Ship kay Gomez para maaral niya.
BINABASA MO ANG
VIRTUAL REALITY: GODLY GIFTS
Ciencia Ficción(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘: 𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐈𝐕𝐀...
