"Tara? Balik na tayo sakanila. Baka sakmalin na ko ni Yara."
Tumatawa pa siya ng sabihin niya iyon. Tumayo din siya at inalok niya sakin ang kamay niya.
"Pwede bang saglit pa? Maiintindihan naman siguro nila,"
He smiled and sit again on the sand. "Okay. Alam naman nila na may paganito ako sayo." Nagulat ako sa sinabi niya at may kung ano sa puso ko na naging masaya.
"Weh? Sinabi mo?" I asked.
"They help me to set up the table. Ang balak ko kasi nung una picnic vibes lang, kaso iba expectations nila. They want it to be romantic." He chuckled.
Natawa din tuloy ako. Knowing them, they always want more! I mean yung bongga ganon. Ayaw nila palagi yung simple lang. They always put effort to everything. Lalo na si Yara. Protective siya pero I know, she wants the best for her friends.
"I miss Dad." Bulong ko pero sapat na para marinig niya.
Hindi siya nag salita, tumingin lang siya sa alon at muling hinawakan ang kamay ko. I felt a heat on his palm kaya nagiging kalmado ang pakiramdam ko.
"You want to call him?" Maingat na tanong niya.
Umiling ako agad. "Hindi naman niya sasagutin. Sasabihin non, busy sya sa site."
Nasanay naman ako sa ganon. Nasanay na ako na kahit konting oras ay hindi niya maibigay sakin. Palaging si Mommy ang kausap niya at ang dalawa kong kapatid. Lalo na si ate Reese dahil silang dalawa naman ang close. Nakakalugkot lang dahil gustong gusto kong makaramdam ng pagmamahal mula sakanya kaso parang wala naman.
"Pakiramdam ko ayaw nya sakin." Natawa ako ng sabihin ko yon.
"Don't say that. Mahal ka non... kulang lang sa pagpaparamdam." He held my hand tighter.
"Hindi rin. Bakit sa mga kapatid ko naipaparamdam naman nya? Sakin lang hindi."
Tahimik kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Umiiyak nanaman ako dahil sakaniya. Pag ako talaga nagka-anak ayokong maiisip niya yung ganito na hindi siya mahal ng magulang niya.
"Basta nandito ako ha? Kung kailangan mo ng pagmamahal nandito ako."
Right now, I feel like I found my peace. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil pakiramdam ko mayroong taong handang mahalin ako kahit na ganito ang estado ng buhay ko. Na may isang tao na willing akong mahalin kahit gaano kalakas ang alon sa buhay ko. Nakakagaan ng puso dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal. Hindi ko rin inaasahan na sakaniya ko mararamdaman ang ganito.
Pagkatapos namin mag usap, inalalayan niya akong tumayo. Naglalakad kami sa buhanginan habang hawak hawak niya ang kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya sa kamay ko. Wala rin naman akong ginawa para alisin ang kamay niya dahil hindi ko naman itatanggi na gusto ko rin ang paghawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Dream
RomanceHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...