33

309 8 3
                                        

"Ilang araw na lang, graduate na tayo!"










Pinagdikit namin ang wine glass na iniinom naming magkakaibigan. Nasa bahay kami nila Olive at nag cecelebrate sa rooftop nila.











"Paano yan? He's leaving na din next week." uminom si Yara sa wine niya. Juice lang ang nasa glass ko kaya uminom din ako.










"Para naman sa pangarap niya yon e... Tsaka babalik din naman siya." I answered. Ngumiti rin ako para makita nilang okay lang talaga sa akin ang pag alis niya.










"Nalulungkot ka?" halata sa boses ni Olive ang pagaalala. Umiling lang ako sa kaniya kahit alam ko naman ang totoo.










"Gagraduate tayo pero malungkot kayong dalawa ni Anya." parang nang-aasar si Yara nang sabihin niya yon. Nag salubong naman ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya tungkol kay Anya.





 






"What happen? Are you okay?" nag tatakang tanong ko kay Anya.










"We broke up," ngumiti siya ng malungkot sa akin.











Nagulat ako dahil sa lahat ng tao, hindi ko ine-expect na mag hihiwalay pa sila ni Matt. Sobrang tagal na nila at parang kasal na lang talaga ang kulang sa relasyon nilang dalawa. Pero siguro nga, hindi lahat ng taong minamahal natin ay mananatili. May mga tao talagang mawawala at aalis sa buhay natin. Well, life must go on. Wala naman tayong choice kundi tanggapin ang kapalaran kahit gaano pa kasakit.












"Sumasakit ang ulo ko sa love life niyo!" humawak pa si Yara sa sintido niya.












"Napapadalas ang pag sakit ng ulo mo, Yara." pansin ni Olive sa kaniya. Napatingin tuloy ako kay Yara.












"Oo nga... Okay ka lang ba? Palagi ka bang puyat?" nag aalalang tanong ko.










"Migraine lang to, guys!"







"Araw araw migraine? Mag pacheck up ka kaya!" suway naman sa kaniya ni Anya. Mukha namang okay si Yara, pero kung palagi ngang sumasakit ang ulo niya kailangan na niyang mag pacheck-up sa doctor.









DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon