"Ano nanaman iniisip mo dyan?"
Napatingin ako kay Anya na kanina pa nagtataka kung bakit ang tahimik ko. Nag aya nanaman silang mag lunch date sa restaurant ni Tita Ca dahil pag uusapan ang kasal nina Archie at Olive. Kanina pa nga ako hindi nag sasalita at hindi man lang ako nag bibigay ng idea kung anong magandang gawin sa prep shoot ng mga bridesmaids ni Olive.
Hindi ako makapag concentrate sa usapan dahil kay Ethan. Ngiting ngiti pa siya kapag nagtatama ang mga mata naming dalawa. Hiyang hiya naman ako dahil naaalala ko ang ginawa namin sa sala nila. Parang hindi naman na yon nawala sa isip ko kahit isang linggo na ang nakalipas.
"Puyat lang ako," simpleng sabi ko kay Anya habang nag lalaro sa phone ko. Kung anu ano na lang ang ginawa ko para lang hindi nila ako kausapin.
Kinuha ko ang tubig na nasa tapat ko at ininom yon. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Ethan kaya hindi ko malunok ng maayos yung tubig. Nagugutom na din ako dahil wala pa akong kinakain simula kagabi.
Nakaramdam ako ng kaba nang tumayo sina Olive at Archie para lumipat sa kabilang table dahil dumating na yung coordinator nila sa kasal. Tumayo rin si Anya para mag C.R kaya naiwan kaming dalawa ni Ethan sa upuan.
BINABASA MO ANG
Dream
Storie d'amoreHi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of people to read this. But if you are one of the few, please know that this is my first time to write a st...
