14

305 9 4
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas parang sariwa pa rin sa pandinig ko ang pagsasabi niya ng I love you sakin. Hindi rin ako makatulog ng maayos minsan dahil sumasagi talaga sa isip ko yon.




Tatlong buwan na din nanliligaw sakin si Elijah at yun ang unang beses niyang sabihin sakin yon. Buti nalang at hindi siya humingi ng sagot nung gabing iyon dahil baka wala rin akong maisasagot sakaniya.




"Girls, gathered your things! Pupunta tayo sa Pampangga, ikakasal daw bukas ang Tita Candice nyo."



Bungad samin ni Mommy pagkababa sa kitchen area. Wala pa ako sa sarili dahil sa kakaisip sa i love you na yon!




"Biglaan?" Tanong ni Ate Reese.


"Shot gun married, alam niyo naman ang lola niyo." Mukhang frustated si Mommy. "Nabuntis e, wala na tayong magagawa at nandyan na."



"Kailangan ba nandon tayo?" Hershey asked.


"Nakapag-booked na ang Daddy nyo pauwi. Sa Pampangga na tayo magkikita-kita."





I just sighed and go back to my room to fix my stuff. Nung marinig kong uuwi siya kinabahan na ako agad. Syempre uuwi siya kahit biglaan pa dahil malapit sakaniya si Tita Candice. Kinakabahan lang ako dahil hindi ko nanaman alam kung paano ako makikisama sakanila.




Mom ordered us to bring a yellow dress to make a formal color sa kasal ni Tita since biglaan nga. Hindi naman siguro kami magtatagal don kaya konting damit lang din ang dala ko. Gabi na kami naka alis dahil may mga inasikaso pa si Mommy sa shop niya.  Umupo ako sa pinakalikod dahil gusto kong mahiga. Kinuha ko agad ang earphone sa bag ko at nag spotify sa phone. Kanya kanya kaming gamit ng gadgets magkakapatid dahil hindi naman kami magkukwentuhan sa byahe.




Kusang ngumiti ang bibig ko ng makita ang chat ni Elijah.






Elijah: goodevening :)






I bit my lower lip before typing on my screen.






Kisses: goodevening.
Otw kami sa pampangga biglaan.
Uuwi din si Dadddy.






Hindi ko alam bat kusa ko yong natype. Parang nag-uupdate na ako sakaniya. Nag good evening lang naman siya!





Elijah: are you okay?






Napaisip ako sa chat niya, siguro ay naiisip niya iyong hinanakit ko sa tatay ko.





Kisses: hmm so far haha



Elijah: good. Take care okay?
Pm ka lang if something happen


Kisses: thank you!




Hindi na siya nag reply kaya natulog nalang ako buong byahe. Pagkagising ko madaling araw na at nasa Pampangga na kami.  Beach wedding  ang kasal, naka set up na ang lugar pag dating namin kaya napapaisip ako kung biglaan ba talaga ito. Or baka naman magaling lang yung coordinator na nakuha nila  dahil sobrang ganda ng set up. White and yellow ang theme kaya sobrang ganda  sa mata. Puro sunflower pa ang mga bulaklak kaya ang ganda ganda talaga tignan kahit medyo madilim pa.





DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon